"Move aside Ricka" madiin na sabi ni Irvan habang hindi pa rin tinatanggal ang paningin kay Drew.
Nag-aalalang napatingin ako kay Drew ngunit agad na nawala iyon dahil ngumisi ito kay Irvan.
Hindi ko gusto ang ngisi niya. Parang may balak siyang gawin na hindi namin alam.
"Your boyfriend Ricka?" Tanong niya. Nakangisi ito.
Napalunok na tumatango-tango ako. Napapikit ako sandali nang hinaklit ni Irvan ang braso ko at pinapalit sa kanya.
"What are you doing here Drew Salvatore?" Madiin at marahas ang pagkakabigkas ni Irvan.
Napatda ako at pabalik-balik na tumingin sa kanilang dalawa. Magkakakilala sila? How?
Para silang isang aso, mapanganib na aso na isang pitik lang ay tiyak na magkakagulo na and I don't want it to happen. Kung kaya ko habang maaga pa, gagawin ko.
Hinawakan ko ang braso ni Irvan.
"Tara na Irvan, aalis na tayo" mahinang sabi ko. Hinila ko iyon ngunit masyado siyang malakas at hindi man lang gumalaw ang kanyang katawan sa ginawa kong paghila.
"I will be staying here for two months" narinig kong sagot ni Drew.
Inis akong napapikit at pinapakiramdam ang katabi ko. His breathing was harshed and violent. Nagtitimpi ang bawat hinga niya.
"You bastard!" Mahina pero mariin na usal ni Irvan. I know, nagtitimpi lang siya sa at pilit niyang pinapahinahon ang kanyang sarili.
Ayaw niyang makagawa ng gulo sa bahay namin.
"Yeah right. This bastard is staying here" sabi ni Drew.
"Magkikita't magkakausap kami ni Ricka ARAW-ARAW" he even emphasized the word 'araw-araw'.
Napadilat ako at unang dumapo abg tingin ko sa kanya. He is intently looking at me.
This isn't good anymore.
Akmang lalapitan ni Irvan si Drew nang pinigilan ko siya. Ayokong magkagulo sa bahay namin. Magagalit si Mama at si Kuya kapag may gulong mangyayari sa bahay.
Irita akong tumingin kay Drew na prenteng nakatayo lang ito sa harapan namin habang amuse na nakatingin pa rin kay Irvan na gusto nang sumapak ng tao ngayon.
He's just making fun!
"Drew please! Isara mo na ang pinto. Pakisabi nalang kay Mama na aalis na kami. Please" nagmamakaawa na ako.
Kumibit-balikat lang ito at tumalikod sa amin saka isinara ng dahan-dahan ang pinto. Bawat rinig namin ng pintong nasara na ay pinipigilan kong huminga.
Pinapakiramdam ko si Irvan sa tabi ko. Huminga ako ng maluwag nang marinig ko ang paglock ng doorknob.
Unti-unting humihinga ng maluwag si Irvan sa tabi ko kaya ginawa ko ang pagkakataon na'to para lumingon sa kanya.
"I-Irvan let's g-go-" nagulat ako nang bigla niyang linagpasan at umalis sa harapan ko. Naglakad siya patungo sa gate. Dali-dali akong naglakad palapit sa kanya.
Nakita kong nakatungo siya habang itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa kotse niya.
Dahan-dahan kong isinara ang gate at lumapit sa kanya. Napansin niya ang anino kong tumataklob sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko.
Umayos siya ng tayo. Madilim pa rin ang aura ng kanyang mukha. Matalim ang tinging ipinupukol sa akin. Hindi ko maiwasang mapalunok ng tatlong beses.
Ngayon ko lang nakita ang galit sa kanyang mukha. Ngayon lang.
"Why is Drew doing here Ricka!?" Galit na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Loose of Chains [COMPLETED]
RomanceRicka Inocencio is a certified NBSB. Ni walang isang lalaking nagkamaling pumatol sa kanya. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili niyang tatanda siyang dalaga. Itinatak na niya iyon sa buhay niya. Not until she meet Irvan Villalobos, the certified p...