Alam mo yung feeling na ang ganda na ng araw mo, pero meron talagang buwisit na darating. Yan ang nararamdaman ko ngayon sa tuwing titingin ako kay Irvan na panaka-nakang tumingin rin sa gawi ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumisi lang ito. Baka nakakalimutan niya yung ginawa sa akin. May gana pa siyang magpunta rito sa faculty.
Well, Principal nga yung auntie niya, pero sana naman respetuhin niya naman ako. May kasalanan pa itong manyak na'to. Tsaka nasaan ang two weeks na sinasabi ko sa kanya? Nakalimutan rin niya?
Huwag ako. Naiinis ako sa mukha ng lalaking nasa harapan ko. Feeling ko talaga minamalas ako ngayon.
"Our wedding will be move Ricka" sabi ni Leina sa tabi ko. Isa pa itong babaeng 'to. Bakit hindi nalang kaya niya sabihin sa akin ng wala si Irvan? Kailangan pa ba ang presensiya ng manyak na'to?!
"Ayos yan" komento ko.
Hinampas niya ako sa balikat na ikinalingon ko sa kanya.
"You're so bad! Gusto ko na ngang magpakasal kami by March. Pero he said, sa May nalang daw. Excited na akong magpakasal! I'm so excited! Tapos eto! He move the date?!" Eksaheradong sabi niya.
I sighed. She's just a spoiled brat. Paano ba ito nahahandle ni Derek?
"May reason naman si Derek. Huwag kang ano" sabi ko. Tumingin ako sa gawi ni Irvan na nasa tapat ng mesa ko. He was just looking at me. Pinaningkitan ko siya ng mata.
"At ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko.
Kumibit-balikat lang ito.
"Leina called me" simpleng sagot niya.
Lumingon ulit ako kay Leina na ngayo'y nakabusangot ang kanyang mukha. Ano bang nasa utak ni Leina at pinapunta niya rito si Irvan?
"Ang pangit mo" komento ko. Napasinghap naman siyang tumingin sa akin. Nakita ko naman kung paano nagtubig ang kanyang mata.
Nagulat ako nang bigla siyang umiyak. Napatayo ako at lumapit sa kanya.
"Hoy! Bakit ka umiiyak?!" Inis na sigaw ko. Naluluha naman itong tumingin sa akin.
"You! Kaya ba ayaw akong pakasalan ni Derek dahil ang pangit ko!? Am I not enough!" Nagdadabog na siya sa pwesto niya.
Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Anong nangyayari sa kanya? Joke lang naman yun! Bakit tinototoo ng babaeng ito ang sinasabi ko?
"Anong hindi pakakasalan?! Minove lang ang date! Papakasalan ka pa rin niya! Atsaka para ka namang hindi sanay sa atin kung magjoke. Tinotoo mo naman!" Inis na saad ko.
Humihikbi siyang tumigil sa pag-iyak. Hindi ko talaga alam ang galaw ng utak ng babaeng ito. Nagiging moody na.
Napatigil ako. Moody?
"Is she pregnant?" Ang nasa isip ko ay tumugma sa tinanong ni Irvan sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Tumagal ang titig ko sa kanya habang nag-iisip. Bigla namang iwinawagayway ang kamay ni Irvan sa harapan ng mata ko. Napaayos ako ng tayo at napabalik sa ulirat.
Kumukurap ako. Nakatitig sa akin si Irvan.
"What's wrong?" Mahinang tanong niya. Napailing-iling ako. Bakit yata biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa simpleng tanong niya?
Umiwas ako ng tingin sa kanya at lumingon kay Leina na ngayo'y kumikibot ang labi at humihikbi pa.
Alam kong sensitive ang tatanungin ko sa kanya. Lalo na't usapang babae ito pero wala na akong pakialam. Buntis ka ba Leina?
BINABASA MO ANG
Loose of Chains [COMPLETED]
RomanceRicka Inocencio is a certified NBSB. Ni walang isang lalaking nagkamaling pumatol sa kanya. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili niyang tatanda siyang dalaga. Itinatak na niya iyon sa buhay niya. Not until she meet Irvan Villalobos, the certified p...