Chapter 30

407 8 0
                                    

It's been a week and 5 days. Masaya ang mga araw ko sa nagdaang linggo. Very happy. Mas lalong gumaganda ang araw ko kapag si Irvan ang iniisip ko.

Sa linggo na iyon ay halos subsob ako sa trabaho sa faculty. Nagseminar pa kami ng mga co-teachers ko ng dalawang araw. And hindi pa nga ako nakauwi nun. Sa Laguna naganap yung seminar namin and halos piling teachers muna ang pinapunta. Mostly, yung walang mga advisory kaya kabilang na ako doon.

But still, laking gulat ko nalang talaga nang makita si Irvan na nasa harapan ko habang umiinom ako ng tubig. Hindi ko naman alam na pupunta siya. Sinabi ko lang sa kanya o yung pinapaalam ko sa kanya ay may seminar kami ng mga co-teachers ko mawawala ako ng dalawang araw.

Hindi ko naman sinasadyang ma-off yung cellphone ko that time. Wala na kasi akong time na icharge iyon kasi lahat kami halos pagod na. And pagpunta namin sa hotel, halos hindi na kami makapag-usap ng maayos dahil inaantok na.

And after that, hindi na ako nilubayan ni Irvan. Pumupunta siya sa faculty namin. Kahit may mga teachers pa, doon siya tumatambay sa faculty. Mas nagiging sweet siya sa akin nitong nakaraang linggo.

But nung Linggo kahapon, napansin kong hindi siya nagsasalita, madalang lang. Kapag tinatanong ko siya, sinasagot naman niya pero ang tipid lang. Napansin ko rin siyang wala siya sa sarili niya, malalim yung iniisip at mukhang nababalisa. Pilit ko naman siyang tinatanong kung anong nangyari, pero ang tanging sagot lang niya sa akin ay may nangyari sa company, may kaunting damage.

Gusto kong tumulong pero hindi ko naman alam kung saan ako pwede. Sabi niya pa, magiging ayos lang ang lahat. Palagi siyang humihinga ng malalim, nakailang-beses na rin siyang bumuntong hininga. Sabi ko, baka malala talaga yung damage sa kompanya.

And until now, ganyan pa rin siya. Hindi kumikibo, hindi nagsasalita.

Tinapik ko ang kanyang kamay na nasa aking mesa. Nagising naman ang diwa niya at napalingon sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.

"You're spacing out Irvan. Bumalik ka nalang muna kaya sa compan-"

"No!" Kapwa kami nagulat sa sigaw niya. Tumikhim siya.

"I-I mean, ayokong makaabala kay Daddy. He is g-going fix the d-damage. H-he doesn't need me" mahinang bawi niya. Nangunot ang noo ko.

"How come? Ikaw ang CEO 'diba? Mas kailangan ka dun" sabi ko.

"I trust Daddy. He will. Hindi niya kailangan ng t-tulong ko" sabay iwas ng tingin. Paulit-ulit niyang tinatapik ang kaniyang kamay sa mesa.

Napaayos ako ng upo. Something is not right.

"Talaga bang may damage sa company niyo Irvan?" Dahan-dahan kong tanong. Napalingon naman siya sa akin ng wala sa oras.

"Y-yes" utal niyang sagot. Umiiwas siya ng tingin sa akin. Pilit ko naman itong hinuhuli ngunit palagi rin niyang iniiwas ang mga mata niya sa akin.

"Hindi ako naniniwala ngayon Irvan" pahayag ko.

"May tinatago ka sa akin. Ano iyon Irvan?" Taas-noong tanong ko. Nagdududa na ako sa kinikilos niya.

Huminga naman siya ng malalim. Rinig ko ang paghinga niya.

"I-I'm not. Wala akong tinatago sa'yo" giit niya. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Hindi ako naniniwala" giit ko pa rin.

"Alam kong may tinatago ka sa akin. Hindi ako magagalit, hindi ako magtatampo basta sabihin mo lang. Hindi iyong magsisinungaling ka pa sa akin" sabi ko.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon