Chapter 5

569 12 0
                                    

"Nagugutom na'ko!" Pabulong kong saad sa sarili ko. Napatingin naman ako sa gawi nila Leina at Derek. Hindi pa sila tapos makipag-usap sa wedding coordinator nila. Isa't kalahating oras na kaming nandidito. Isa't kalahating oras na rin akong nagugutom.

Napakamot ako sa likod ng tenga ko at inilibang ang sarili ko sa paglalaro ng mobile games. Kahit papano ay hindi ako mabobore kakatingin sa kanila.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko senyales na may nagmessage sa akin. Pumunta ako sa messages. Naningkit ang mata ko nang unregistered number ang nagmessage sa akin. Pinindot ko iyon.

'Busy? Can I call?' Napanguso ako. Sino ito?

Akmang magrereply ako nang biglang tumawag yung unregistered number. Sinagot ko naman iyon at itinapat sa tenga ko.

"Hello?" Bungad ko.

"You're bored?" Tanong ng kabilang linya. Napahinto ako nang marecognize ko ang boses na iyon.

"Irvan?" Naniniguradong sabi ko.

"The one and only babe" napairap ako sa kawalan. Jusko! Kahit ba naman sa tawag eh nambubuwisit na naman.

"Oh. Ano na naman?" Tamad na saad ko. Nawawalan talaga ako ng gana kapag kausap ko itong manyak na'to.

"You promised to date me Ricka" napatigil ako sa sinabi niya. Anong date pinagsasabi niya? Sinabi ko lang yun pero naniwala naman ang lokong 'to.

"Alam mo ba ang salitang 'joke' Irvan ha. Ilagay mo yan sa kokote mo" napasandal ako sa couch.

"Too bad Ricka. Too bad. I am a serious person" sinapo ko ang aking noo at nalihis ang tingin sa labas. May naanigan akong kotseng nakababa ang bintana.

Napatingin ulit ako at napakurap-kurap. Familiar ang lalaking iyon. Muling naningkit ang mata ko. Lumubo naman kaagad ang mata ko nang marecognize iyon kung sino ang lalaking nasa loob ng kotse. 

He's looking at me while his phone is on his right ear. He bit his lips trying not to suppress a smile when I saw him. Anong ginagawa niya rito?

I was about to speak when he interrupted me.

"I cancel my meeting with some investors in Singapore. I can't wait to date you Ricka" Kumuyom ang kamao ko sa narinig.

Ginawa niya lang iyon dahil lang sa may pinangakuan raw akong date?! Nahihibang na ba ito o ano?!

"Nababaliw ka ba!? Date lang iyon! Pwede iyon ipagpabukas! 'Yang investors mo, hindi!" Nanggigigil na sabi ko. Kulang na lang talaga ay madurog na itong cellphone ko sa higpit ng hawak ko.

"But, I can't wait. Surely, Father will understand me" hindi ko masyado narinig ang sinabi niya nang tumawag si Leina.

Napalingon ako sa kanila.

"Aalis na tayo. Hays! Ginutom ako Derek ha! Lilibrehin mo talaga kami!" Sabi ni Leina. Tumayo ako at inayos ang pagkakasukbit ng sling bag ko.

"Sige na! Next time nalang kasi!" Inis na saad ko. Kukulitin niya pa rin ako kapag hindi ako umoo.

Nagtataka namang napatingin ulit sa akin si Leina. Binuka niya ang kanyang bibig at nagsalita ng walang tinig. Napasunod ako sa paglalakad nila paalis sa shop.

'Si Irvan?' Yun ang nabasa ko sa labi ni Leina. Napairap ako sa kawalan. Alam na alam talaga kung sino ang kausap ko.

Tumango ako. Ngumiti naman ito at halatang kinikilig. Napailing naman ako.

"May pupuntahan kami ni Leina ngayon. Hindi ko iyan masisingit ang sinasabi mo" sabi ko sa kabilang linya.

Tumingin pa ako sa gawi ng kotse niya. Tinted ang mirror niya. Napansin ko ring itinaas na niya ang kanyang bintana.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon