"Are you done in making lesson plan?" Bungad sa akin ni Leina.
Nakangiti akong tumango.
"Ikaw?" Tanong ko.
Pabagsak na inilapag ni Leina ang dala niyang libro at bag sa mesa niya.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Is she woke up on the wrong side of the bed? Highblood kasi.
Tumingin ako sa kanya. Pansin kong may namumuong eyebags sa ibaba ng mata niya. Napuyat pa yatang gumawa ng lesson plan.
Pabagsak rin siyang umupo sa swivel chair niya at pasandal na umiikot-ikot.
"Napuyat ka yata?"
Lumingon siya sa akin. Nasa harapan ko na ang kanyang swivel chair.
Nandito kami sa English Faculty Office. Major in English kaming dalawa ni Leina at secondary students ang tinuturo namin. Almost three years na kaming teacher rito sa public school. Pagkatapos na pagkatapos ko kasing madestino rito at matanggap ay sumunod na din sa akin si Leina.
Nagtawanan pa kami nung makita namin ang isa't-isa dito. Bestfriend na kami noon nung High School pa kami. Sinasabihan pa namin ang sarili naming huwag kaming maghihiwalay. Kung anong course ng isa, course na rin dapat sa isa kaya eto, hindi kami nagkahiwalay hanggang sa maging professional teacher kaming dalawa. Solid ang samahan 'diba.
"Derek called me kagabi. Uuwi raw siya bukas" sagot niya.
Napaismid ako. Yun lang ang ikinapuyat niya?
"Ano naman kung uuwi siya? Ayos na rin iyon" Napasimangot siya sa sinabi ko.
"He also said that he wants me to stop working as a teacher! Kainis iyon! I love my job! Tapos sasabihin niya lang niyang hindi na ako magtatrabaho because we're getting married!? That's insane! Wala iyon sa usapan namin!" Umiikot-ikot siya gamit ang swivel chair.
Kahit naman ako kapag sinabihan ako ng fiancee ko na patitigilin niya ako sa pagtatrabaho. I will turn into beast. Magagalit talaga ako. Just like Leina, I love my job, I love being a teacher.
"I will definitely talk to him tomorrow once he come home! Naiinis na ako! HINDI PA BA SAPAT NA I MARRY HIM BECAUSE I LOVE HIM! Tapos ganito ang igaganti niya sa akin?! Ang patigilin ako sa trabahong gusto ko!?" mabuti na nga lang at kami pa dalawa ang nandidito sa faculty.
Hinayaan ko nalang siyang magsalita sa upuan niya. I'm not into giving advices. Feeling ko parang wala ring saysay ang sasabihin ko.
Humarap ako sa laptop ko at sumilip muna sa messenger ko kung may nagchat. Baka pinasa na ng president ng Grade 9 Section Waling-Waling yung link na sinasabi ko. Survey form iyon sa mga kaklase niya. Wala kasi ako kahapon kasi umattend ako ng kasal ni George and siya na muna ang inutusan ko na magdistribute nun.
Napapatapik akong sumilip sa messenger ngunit wala pa ring ipinasa. Baka sa iba ko pang account niya naisend iyon.
I turned at Leina. She closed her eyes.
"Matutulog ka?" Mahinang tanong ko.
"Iidlip na muna ako. May klase pa ako ngayong alas otso" pagkasabi niya nun ay bigla akong napatingin sa wall clock. It's 7:25 am. May 35 minutes pa siya para matulog.
"May klase ako ngayong 7:30 Leina. Magseset nalang ako ng alarm sa mesa mo ha" tumango lamang siya.
Muli kong ibinalik ang paningin ko sa laptop at nagsimulang magtype ng password ng ibang account ko.
I clicked the message icon. Nakita kong may pinasa na pala si Sweetheart, yung president. I immediately opened it. Napangiti ako nang makita kong halos naansweran ng lahat itong survey.
BINABASA MO ANG
Loose of Chains [COMPLETED]
RomanceRicka Inocencio is a certified NBSB. Ni walang isang lalaking nagkamaling pumatol sa kanya. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili niyang tatanda siyang dalaga. Itinatak na niya iyon sa buhay niya. Not until she meet Irvan Villalobos, the certified p...