"Nakita ko sa IG ni Irvan" Napalingon ako kay Leina na ngayo'y nakalapit na sa mesa ko. Umupo siya sa harap ko at ipinatong ang dalawang kamay niya sa mesa.
Nagtataka naman akong tinanong siya.
"Anong nakita mo?" Tanong ko. Napahinto pa siya at kaagad kinuha ang cellphone sa bulsa ng pencil skirt niya.
"Hindi ka naman masyadong active sa social media again" komento niya habang nasa cellphone pa rin ang kamay niya.
Umiling ako habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Hindi. Facebook nalang ako. Wala naman akong ipopost sa IG" tanging sagot ko.
Maya-maya pa ay iniharap niya sa akin ang cellphone niya at may ipinakitang picture. Nanlaki ang mata ko nang makita kong ako ang nasa picture. Kahit side view man ito, hindi nagsisinungaling ang angle na ako talaga ito. Napaangat ang tingin ko kay Leina na nakangiti na ngayon.
"He posted that picture" ininguso niya pa ang cellphone na hawak niya. Napalayo ako at sumandal sa swivel chair.
Alam ko nang magtatanong ito ng marami si Leina. Ihahanda ko talaga ang sarili ko sa anong katanungan ang ibubuhos niya sa akin.
Naiinis rin ako kay Irvan. Bakit hindi ko yata nakitang pinipicturan niya ako kahapon? He should asked me a permission.
Iniligpit niya ang kanyang cellphone at muling ibinalik sa bulsa niya.
"What's the score between you two huh?" Excited na tanong niya.
"Nagdate kami kahapon sa amuse-" napapikit ako sa biglang pagsigaw niya sa harap ko. Tumatalon-talon pa ito at walang pakialam sa batang nasa sinapupunan niya.
Dumilat ako.
"Huwag ka ngang tumalon! Malalaglag yung bata!" Naiinis na sita ko. Huminahon naman siya at bumalik sa pagkakaupo. Umayos naman siya ng upo.
"So? Ano? May nararamdaman ka ba sa kanya?" Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"Anong nararamdaman pinagsasabi mo?" Nakasimangot na tanong ko.
"Like beating your heart fast" napatigil ako. I feel that Leina. I couldn't deny it.
"Butterflies in your stomach" she added. I feel that too.
"And yung Nakakapanindig balahibo kapag nagsasalita siya or tumatawa" Awtomatikong lumambot ang tuhod ko sa narinig. All of the statements she says, I feel it.
Kapag kaharap ko siya, walang oras na hindi magwawala ang puso ko. It feels like nakatakda sa kanya ang ganitong nararamdaman ko. Only him, can make me feel nervous and at the same time comfortable.
Because of him, all my chains go loose.
Umiling lamang ako.
"H-hindi ko iyan nararamdaman" pagsisinungaling ko.
Tila ba hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"B-but I feel nervous when he's around" There. I say it. Nanlaki naman ang ngiti niya sa sinabi ko. Tinuro-turo niya ako.
"Diyan! Diyan! Diyan nagsisimula ang ganyan! Believe it or not" kumibit-balikat siya.
Napahinga ako ng malalim.
"But, hindi naman ito lalala. Siguro pansamantala lang iyon kasi palagi naman niya akong inaasar. Nakakabuwisit" mahinang sabi ko.
Umismid siya sa sinabi ko.
"Don't deny it Ricka! Huwag mong linlangin ang sarili mo. You should continue dating with each other" Kinikilig na saad niya.
Napailing ako. Ewan ko ba, lahat ng santo ay ibinanggit ko na sa isipan ko. Sinabi ko sa sarili kong gusto kong magkaboyfriend. Nasa tamang edad na ako. I don't want to die being single. Gusto kong magkaanak. But alam kong hindi iyon matutupad. Ready na nga ako. Ready na akong magkaboyfriend kapag may dadating man.
BINABASA MO ANG
Loose of Chains [COMPLETED]
RomanceRicka Inocencio is a certified NBSB. Ni walang isang lalaking nagkamaling pumatol sa kanya. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili niyang tatanda siyang dalaga. Itinatak na niya iyon sa buhay niya. Not until she meet Irvan Villalobos, the certified p...