Chapter 24

360 7 0
                                    

My day went smooth. Ang ganda ng gising ko kaya halos lahat ng mga co-teachers ko ay binabati ko na. Well, ang ganda ng nangyari kagabi. Mas lalong gaganahan ang umaga mo niyan 'diba?

Nangingiting naglakad ako patungong faculty. Dala-dala ang claas records at libro. Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin ang kompletong co-teachers ko sa English sa kanila-kanilang table.

Halos lahat nakatutok sa kanilang laptop. Pabalik-balik ang tingin nila sa class records at sa laptop. Kumibit-balikat ako at nagtungo sa aking mesa.

Ang daming tatapusin na records sa mga estudyante. May seminar pa next week tapos kailangan nang ipasa itong mga records sa principal at sa adviser ng iba't-ibang section.

Mabuti na nga lang talaga at natapos ko kaagad ang pagkuha ng grades nila last week at baka magkandaugaga kaming lahat rito sa faculty.

Inilapag ko ang dala-dala ko at marahas na bumuga ng hangin saka umupo sa swivel chair.

Napatingin kaming lahat nang may biglang bumukas ng pinto. Napatawa ako ng mahina nang tumambad sa amin si Ma'am Chinita Girl.

Nakangiti itong lumapit sa akin. Binati niya ang ibang co-teachers namin. Natatawa na rin sila sa pakwela na pakikipag-usap niya.

Nakaupo siya sa harap ko. Napaayos ako ng upo at nakangiti ko siyang sinalubong.

Kilala si Ma'am Chinita Girl bilang kwela sa buong paaralan. Hindi man siya nabiyayaan sa height. Mukhang hanggang kili-kili ko lang siya pero ang talas ng bibig nito.

Pranka at straightforward kung magsalita ito. Pero joker ang cute ng co-teacher namin.

"May grade na ba iyong mga junakis ko?" Tukoy niya sa estudyante niya. Adviser niya iyong section na hineheld ko, iyong section Waling-Waling.

Nanghihingi na ng grades sa akin sa English subject. Kinuha ko ang maliit na folder sa drawer ilalim ng mesa ko at inilahad sa kanya. Nakaarrange na kasi ang folder ng mga grades na ibibigay ko sa mga adviser. Para hindi na rin ako magkandaugagang maghanap pa. Makakalimutin pa naman ako.

Kinuha niya ang folder at binuklat. Napasinghap pa ito at napatakip sa bibig. Hindi ko maiwasang mapatawa sa reaksyon niya. Ang cute lang.

"Hindi na nagtino si Balarce! Puro seventy ang grado niya sa lahat ng subjects! Mabuti at pinasa mo Ma'am! 78. Okay na 'to" sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya at pinasalikop ko ang aking mga kamay sa mesa.

"Nagcucutclass 'yan Ma'am but may naipasa namang requirements sa akin and so far, hindi naman mababa ang mga scores sa quizzes" sabi ko.

Tumatango-tango siya.

"Kulang ng aruga itong si Balarce kaya nagrerebelde minsan" usal niya. Itinupi naman niya ang folder at tumingin sa akin.

"Salamat nito Ma'am Inocencio. Babush!" Ngumiti siya at tumayo kaagad.

Tumango ako. Tumalikod naman siya at nagsimulang maglakad paalis sa faculty. Humabol pa ito ng joke sa amin. Natatawa namang napasandal sa pinagsasabi niya. Wala talagang filter ang bunganga ni Ma'am Chinita Girl. Parehas sila ni Leina.

Naiiling na kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko. Umiikot-ikot ako habang in-on ang cellphone. Nang mabuksan kaagad ito ay una akong nagtungo sa IG.

Ang tagal ko ng hindi bumibisita sa IG. Namimiss ko na ang classmate kong hunghang nung college. Palabiro rin iyon at nagpopost ng katatawanan sa IG.

"Tsk" usal ko nang makita kong may pinost naman si Irvan sa IG. Finollow ko siya dahil inutusan niya ako. Sabi ko naman sa kanya na hindi ako parating dumadalaw sa IG. Ang sabi niya, bahala na! Kaya ayun, we follow each other.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon