Chapter 32

405 7 0
                                    

'I miss you too babe. Can't get enough of you. I'm sorry for my sudden decisions. Hindi ko gusto ang binitawang salita ko'

Napangiti ako nang magtext siya sa akin kagabi. Binigyan niya ako ng magandang araw para bukas. Binigyan niya ako ng magandang tulog. At ngayon, mas lalong gumanda ang araw ko sapagkat, monthsarry na namin.

Halos hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang atensyon ko. Nagplano akong sa bungalow house niya kami magcecelebrate. Gusto ko siyang surpresahin. At nang mabasa ko ang message niya, para akong dinadala sa langit. Nagsasayaw ang paru-paro  sa tiyan ko.

Isa lang ang masasabi ko. He can't resist me.

Napangiti ako.

Marahan akong bumuga ng hangin at binuksan ang pinto ng kwarto. I need some advice. Matutulungan ako panigurado ng kaibiga-. No! Hindi ko pala siya bati. Kahit na ganun ang message ni Irvan, pinapatawad na niya ako. Hindi na siya lumalayo sa akin, ayokong kausapin pa si Drew. Tumataas ang presyon ko.

Kay Kuya nalang ako maghihingi ng advice. Tutal, lalaki naman sila pareho.

Kakatukin ko na sana ang kwarto ni Kuya nang makita kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Drew. May dala itong tuwalya sa balikat niya habang isinasara ang pinto. Napatingin siya sa gawi ko. Ngumisi siya at sumandal. Kinukusot-kusot niya pa ang kanyang mata.

"Need a help?" Hindi ko maiwasang mapairap. Ang yabang ng loko. Hindi ako kumibo.

"I'll give you an advice. Alam ko ang kinahihiligan ni Irvan. Of course, we were a close friends" umayos ako ng tayo.

"Spill it" mabilis na sabi ko. Huwag na lang muna. Kailangan ko siya ngayon. Siya lang ang kakilala kong may malaking connection ni Irvan.

Gusto kong makilala ko pa ng husto si Irvan by giving him a gifts. Gusto ko pa siyang makilala. And matutulungan ako ni Drew ngayon.

"Pero, tulungan mo ako sa gift ko para sa birthday ni Irvan" saad niya. Tumikwas ang kilay ko. May suhol pa talaga?

"Oo na!" Inip kong saad.

"Good. So, Irvan is fond of collecting books and watches" napatigil ako. Yeah. Nakita ko sa kanyang kwarto. But, hindi ko nakita ang mga relong kinokolekta niya. Maybe, tinago or something.

"Mahilig si Irvan ng books na may connection sa greek mythology, action, thriller, fantasy, discovery and even horror" nanlaki naman ang mata ko.

'Horror!? Akala ko ba ayaw niya sa horror?'

"Gulat ka" nangingising tanong niya. Tahimik akong tumikhim. Nagpatuloy naman siya.

"And yeah. Watches of course. Hindi niya ginagamit ang lahat ng iyon, instead ginagawa niya lang iyon collection dahil mas nakakaakit raw iyon kaysa sa gamitin. Weird ng boyfriend mo noh?"

I agreed. Tulala na lang ako tumingin sa kanya.

So, anong ireregalo ko?

Isang oras akong nag-isip-isip sa kwarto ko kung anong pwede kong iregalo sa kanya. Watches ba or books. Lahat naman nakakaakit lalo na't gusto niya ang dalawang iyon. But, gusto ko iyong unique. Yung hindi niya makakalimutan instead he will cherish it. Gusto ko ng ganun.

Kaya nagdecide akong ibake siya ng cupcakes. Alam kong napakalame or napakasimple ng regalong ibibigay ko sa kanya. But, I love to bake something delicious na may halong pagmamahal.

Unang-una kong ginawa pagkatapos kong lumabas ng kwarto ay kaagad akong dumiretso sa kusina at nagbake ng cupcakes. Wala akong sinayang na panahon dahil alam kong marami pa akong gagawin mamaya. Halos iniestimate ko ang oras sa pagpeprepare ko.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon