Chapter 23

355 10 0
                                    

"Why are you exposing your back Ricka?!" Narinig ko ang iritadong boses ni Irvan sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin at pinapatunog ang aking daliri habang nakatingin pa rin sa kalsada.

Hindi ko maiwasang maging kabahan kapag oras na sabihin ni Irvan na nakarating na kami sa bahay nila. Hindi ko magawang hindi maging kabado kapag nakita ko na sila.

Nagulat ako nang tinapik ni Irvan ang balikat ko na ikinalingon ko sa gawi niya.

Salubong ang kanyang kilay at kunot ang noo niya.

"Didn't you hear me Ricka?" Iritang tanong niya.

Huminga ako ng malalim habang napakurap-kurap. Kailangan kong mairelax ang sarili ko ngayon. Baka mawalan ang kulay ng mukha ko katulad ng sinabi ko kanina sa bahay.

Mahirap na at baka hindi nila ako magustuhan.

"A-ano nga uli yung sinabi mo?" Nauutal na tanong ko.

Kinuha niya ang kanyang kamay na nasa balikat ko at inilagay sa manibela. Saglit siyang lumingon sa akin at ibinalik kaagad sa dinadaanan namin. Nakaregister pa rin sa kanyang mukha ang iritadong expression.

"Nevermind!" Asik niya.

Tinikom ko ang aking bibig at bumalik ulit ang atensyon ko sa kalsada.

"You're trembling" puna niya. Napalingon ako ng marahas sa kanya. Nasa kamay ko ang kanyang paningin habang panaka-nakang bumaling ulit sa dinadaanan namin.

Ngayon ko lang napansin ang panginginig ko. Itinigil ko iyon pero visible pa rin ang panginginig nito. Napahinga ako ng malalim at bumuga ng marahas na hangin.

"Once you saw them, mawawala kaagad ang kaba at panginginig mo. I have a weird parents" ngiti niya sa akin.

Napatigil ako. Bakas sa mukha niya ang ngiting ngayon ko lang nakita. His eyes is glowing together with the city lights. Gumaan yung atmosphere na nasa kotse niya nung sinabi niya iyon.

Para na ring gumaan ang pakiramdam ko. Seeing Irvan's smile, pilit akong pinapakalma. And he successfully did it. Unti-unting nakakagaan ang ngiti niya. I wish I can see that smile hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay.

"We're here" the timing it is. Lumingon siya sa akin. May ngiti pa rin ito sa labi but bigla naman iyong nabura nang lumipat ang paningin niya sa likod ko.

Nagtataka naman akong napatingin sa likod ko. Muli kong ibinalik sa kanya.

"You're exposing your back" simangot na sabi niya.

Napatawa nalang ako at hinaplos ang kanyang mukha.

"It's the dress' style. Huwag ka ng umangal. Nasa bahay na tayo oh" nguso ko sa malaking gate nila.

"Still, hindi ko gusto ang dress mo ngayon. It's too revealing" mahina akong napatawa.

Binuksan ng dalawang guards ang malaking gate na nasa harapan namin. Pagkatapos nun ay malayang nakapasok ang kotse ni Irvan hanggang sa makarating kami sa kanilang garahe.

Huminto ang kanyang sasakyan kaya dahan-dahan kong kinalas ang seatbelt at binuksan ang pinto ng kotse para lumabas na.

Napalingon ako nang nasa harapan ko na siya. Nakasimangot pa rin ito.

Ngumiti lamang ako sa kanya. Nawawala na rin ang kaba ko paminsan-minsan.

"Huwag ka ngang sumimangot Irvan. Nawawala ang self-confidence ko" ngiti ko.

"Your bare back is exposing! Ayoko niyan!" Hindi ko mapigilang mapairap sa kanya.

"Wala ka ng magagawa Irvan, nasa bahay niyo na tayo" hinawakan niya ng mariin ang kamay ko at ipinagsalikop iyon sa akin. Hindi ako umangal at hinayaan siya sa kanyang gagawin.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon