Chapter 2

732 20 0
                                    

Kinaumagahan ay hindi na ako nag-almusal pa. Nagbaon na lang ako ng kape at tinapay sa bag saka bumaba na.

Nagsisigaw pa si Rina sa harapan ko, ang maldita kong kapatid na feeling naman niya eh siya yung nanay sa bahay na'to. Nakapameywang na nanenermon siya sa harap ko habang inilagay ko ang supot na may lamang kape at tinapay sa malaking bag ko.

I turned at her.

"Kanina ka pa putak ng putak diyan madam! Mamaya na kasi ako kakain. Late na ako sa trabaho" palusot ko. Nagmamadali lang kasi ako para hindi na ako pwedeng gabihin pa mamaya.

"Edi sana nagbaon ka! Ginoo ko! Ang tanda tanda mo na pero kailangan mo pa ring pagsabihan!" Nakasimangot niyang sermon. Inimpersonate niya pa si Mama kapag nanenermon.

Hindi ko napigilang yakapin siya at panggigilan ang pisngi niya. Nagpupumiglas naman siya at sinasampal sampal ang pisngi ko.

Natatawa naman akong kumalas at humarap sa kanya. Rina is only 6 years old pero matabil na ang dila.

"Nagdidiet ako madam! Wag kang ano" nangingiting sagot ko.

"Umalis ka na nga! I don't want to see your face" mataray na saad niya.

Tumatawa akong isinukbit sa magkabilang balikat ang bagpack ko sabay tayo. Tinatapik ko ang kanyang ulo na tinatabig niya naman ang kamay ko.

"SHOO!" sabay gesture niya. Itinuro niya pa ang pinto. Nagpapahiwatig na gusto niya na akong paalisin. Ang taray talaga!

"Ma! Aalis na ako!" Sigaw ko.

"OH! SIGE NA! KUMAIN KA NA BA!?" sigaw niya rin sa garden.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungong gate.

"Nagbaon ako Ma. Doon na lang ako kakain" pagsisinungaling ko.

Hindi naman sumagot ang Mama kaya dali-dali akong nagpunta kaagad sa kotse kong kanina pa nakaparada sa labas. Ginamit pa kasi ni Kuya Rey ito kanina para may kukuning tools sa amo niya.

Pabagsak kong inilapag sa likod ang bagpack at sinimulang paandarin ang kotse sabay harurot.

I parked my car in the school's field. Nasa gilid lamang ito. Wala kasing parking lot ang public school kaya kung saan-saan pinaparada ng iba ang sasakyan nila. Nag time-in muna ako. Pagkatapos ay dire-diretso naglakad.

I carry my bag and go to the English Faculty. Lalagpas ka pa sa covered court para makapunta doon. Humina ang paglalakad ko nang may mga decorations akong nakikita in whole covered court. Para saan ito? May ganap ba? Hindi yata ako updated.

I pouted and muling gumala ang paningin ko sa covered court. Mostly, mga SSG officers ang nakikita ko.

May lumapit sa aking nakangiting babaeng may dalang sash.

"Goodmorning Ma'am!" Bati niya. SSG officer siguro ito.

Tumango ako at ngumiti.

"Goodmorning. Anong meron?" Tanong ko.

Tumingin siya sa likod niya kung saan nagdedecorate ang iba sa stage saka ibinalik ang tingin sa akin.

"Para po ito sa upcoming Araw ng mga Puso Ma'am" ngiting sagot niya.

Gumala ulit ang paningin ko sa covered court.

"Bakit walang hearts ganun?" Napatanong ako habang lumalakbay ang mata ko sa decorations.

Narinig kong tumawa itong babae. Napatingin ulit ako sa kanya.

"The hearts are the main decoration Ma'am. Ito po kasing dinedecorate namin, bale background or pasilip lang muna sa iba" napatango-tango ako. Eh bakit sinabi sa akin?

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon