Pray boys
•••
I'm going to tell you what a demon once told me; It's okay to want your own happiness. It's okay to care about yourself the most. When someone hits you, it's okay to hit back and then ask them; 'what the hell do you expect?' It's okay, you're not obligated to sit there and smile and swallow every drop of poison that they give you. You're more than furniture, you're not their shiny toy. Your human, you have every right to say;
"Tangina, hindi mo alam pinagsasabi mo. Mali ka, kaya manahimik ka na lang, puwede?"
You have the right to protest your own mistreatment and set boundaries for respectful interactions.
Hindi narerealize ng ibang tao na may ganito kang karapatan at kapag ginawa mo ito sa kanila they will act offended and appalled pero karapatan mo iyon. And that shit hits me. May point 'yong demonyong nagsabi no'n sa akin...at iyon ay ang sarili kong hindi ko maintindihan.
Alas dos ng hating gabi na, nakahiga ako sa aking kutson, yosi ang nasa aking labi at kisame lamang ang tanawin na aking nakikita. Si Jorge ay mahimbing na natutulog sa lapag dahil umuwi siyang lasing kaya bumagsak na lamang siya basta basta sa sahig at syempre isa akong mabuting kaibigan, pinabayaan ko lang siya roon...bahala siya sa buhay niya hindi ko naman siya responsibilidad.
"Tanginang buhay ito...napakalungkot." sabi ko sa sarili ko.
Ini-angat ko ang kaliwang manggas ng suot kong long sleeve shirt at tinignan ang mga bakas ng hiwa sa aking palapulsuhan. Parang ang weird lang? Buhay naman ako pero parang patay na sa kaloob looban. Wala naman kasing pakialam ang iba hangga't walang dramang nangyayari. Sa tingin ko, sa simula nang ipinanganak ang isang tao, nagsisimula na itong makaranas ng kamatayan...lalo na ako.
Huminga ako ng malalim at sinulyapan si Jorge na mahimbing ang tulog.
"Buti na lang may kasama ako ngayon...walang laslas na magaganap," sabay tingin ko sa kanan kong palapulsuhan, "Nakaligtas ka ngayong gabi." dugtong ko.
Mannerism ko na yata ang paglalaslas na para bang parte na siya ng daily life ko. Hays, bakit ba nahantong sa ganito ang buhay ko?
"Ahh, ano ba namang isipan ito, gusto ko na matulog!" pagmamaktol ko habang bumabangon sa pagkakahiga upang dumungaw sa bintana.
Aking sinilayan ang liwanag ng buwan at mga bituin habang sinasabayan ang paghithit ng yosi.
"Gusto ko na lang mamatay..." bulong ko sa aking sarili.
Gusto ko na talaga, pero kaya ko ba?
•••
Pagkapasok ko sa regular classroom namin nakaupo na ang tatlong kumag sa paborito naming pwesto, ang dulong row, malapit sa kabilang pinto.
"O himala, hindi mo suot 'yong paborito mong jacket ngayon?" bungad na tanong ni Niccolo sa akin.
Naka kulay itim akong long sleeve shirt, denim jeans at low cut na converse dahil wash day naman ngayon.
"Nilabhan ko." tugon ko.
Parang tanga namang sabay sabay na umaktong nagulat ang tatlo.
"Taragis! Himala! Papadasal na ba ako?" pang-aasar ni Seb na nakasuot ng plain white t-shirt na pinapatungan ng black 'n white na varsity jacket kahit hindi naman siya varsity player, black jeans at puting adidas na sapatos na sabi niya ay nabili niya online lang no'ng sale.
"Kami dadasal sa'yo Lance, para ka kasing tanga!" bwelta ni Niccolo na nakasuot ng puting long sleeve shirt din pero nakatupi ang manggas hanggang siko, black jeans at puting fila na sapatos.
BINABASA MO ANG
Minsan, Madalas (Life Series #1)
Romance[COMPLETED] Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim...