Pagbangon
•••
Kakatapos lang ng klase namin at nandito kami ngayon sa may roof deck ng school kung saan tinatawag din na penthouse. Pero dito talaga ang nagiging tambayan ng mga estudyante kapag mahaba ang vacant, dito rin iniimbak ang mga lumang upuan at desk. Open ang lugar na ito kaya walang ligtas ang mga magsyosyota kung may balak man silang gumawa ng kababalaghan.
"Ayan, ha! Ilang baybayin t-shirt na hindi ko na sinusuot 'yan." pag-abot sa akin ni Lucas ng isang malaking paper bag na puro t-shirt ang laman.
"Hindi mo pa dinagdagan ng short o pants man lang?" angal ko.
"Wow ha, demanding?"
"Hahaha joke lang, salamat ha."
"Gusto mo ba sabihan natin si kuya ace para makahingi ka ng tulong sa mga kaklase natin?" suggestion ni Niccolo.
"Luh, gago huwag! Ano 'ko pulubi? Nakausap ko na 'yong mama ko...padadalhan niya raw ako ng pera pambili ng mga kailangan ko."
"E di ganito na lang..." inakbayan ni Seb si Niccolo, "Sabihin mo kay kuya ace 'yon, tapos 'yong malilikom natin ipambili na lang natin ng empi o kaya pandagdag natin sa capstone, iwas gastos, ayos ba?" dugtong nito.
"Namo demonyo ka talaga...pero magandang ideya, tara?" pag sang-ayon ni Niccolo.
Anak yata ni satanas 'tong dalawang ito. Sinasamantala ang oportunidad.
"Tigilan niyo nga nakakahiya gagu!" sambit ko.
Ayoko sa lahat nagmumukha akong kaawa-awang nilalang, lalo na sa harap ng madaming tao. Kailangan kong magmukhang matapang para hindi nila ako kaawaan. Pero minsan ang buhay ay punyeta talaga, eh? Binabagsakan ako palagi ng kamalasan...kulang na lang halikan ko ang kamalasan, eh.
Hindi ko pa rin makontak si Jorge. Halos siya ang iniisip ko kagabi, taragis. Kahit reply wala man lang! Nagre-watch na nga rin ako ng Naruto Shippuden dahil sa sobrang dami ng nangyari sa akin kahapon at sa sobrang dami, eh, parang gusto ko na lang umiyak at napa-iyak naman ako ng palabas na 'yon mga banda sa episode 138. Ewan ko ba, ayon na lang yata ang ginawa kong dahilan para umiyak.
"After bad luck comes good fortune naman." pag-aadvice sa akin ni Lucas.
"Kung may dadating man sa buhay ko, sana pera na lang." sabi ko.
Na-realize ko lang din na ang mga tao ay umiikot sa pera. Hindi ako naniniwala na money can't buy us happiness kasi kapag may pera ka mabibili mo lahat ng gusto mo. Mga gadgets na gusto mo, mga pagkain na gusto mo, mga damit o sapatos na gusto mo...at kapag nakukuha natin 'yon, sumasaya tayo. Kaya sa tingin ko, money can buy our happiness. Kung hindi, bakit natin pinaghihirapan ang ating sarili para magkapera? Sino niloloko ng tao? Sarili na? Pera ang kailangan ko ngayon, at gano'n din yata sa hinaharap...hindi naman kami mayaman...kaya baka nga pera ang maging solusyon ko rin sa problema ko sa buhay. Baka sakali tanggapin na ako sa bahay kapag may pera na ako. Kapag kaya ko na tulungan si mama. Baka kapag maibigay ko ang luho ni jackie...baka kapag gano'n tanggapin na ulit ako sa bahay. Baka kapag gano'n kalimutan na nila ang nangyari at sisihin ako sa hindi ko naman kasalanan.
"Tama 'yan Jaq, money will bring you the girls you want!" natatawang sambit ni Niccolo.
"Pinagsasabi mo? Money will bring you the girls you want, but struggle will give you the woman you need." pangangaral ni Lucas sa amin.
"Tama ka, gano'n nga boss." pagsang-ayon ko kay lucas.
"Atsaka kahit malas ka sa buhay Jaq, swerte ka naman samin, 'di ba, 'di ba?" sabi ni Seb.

BINABASA MO ANG
Minsan, Madalas (Life Series #1)
Romansa[COMPLETED] Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim...