Kabanata 6

680 145 60
                                    

Panibagong kalmot ng pusa

•••

Pagkatapos no'ng overnight na iyon, tanghali na kami nagsi-uwi. Pag-uwi ko wala si Jorge sa bahay, may pasok yata. Wala ako sa mood maligo kaya nagpalit na lamang ako ng damit. T-shirt na kulay puti na may print na baybayin. Cargo shorts naman ang sinuot kong pang-ibaba.

Biyernes pa lang ngayon at hindi ko alam kung anong schedule ni Jorge sa school kaya bahala na. Malapit na rin ang prelim exam namin, syempre bilang isang normal na estudyante hindi ako nagreview bagkus humiga ako sa kutson, inilabas ang cellphone at binuksan ang data nito. Pagtingin ko sa messenger mayroong message request, binuksan ko ito at binasa.

Pambihira naman talagang buhay na ito.



Sining Fedeli: Hello, I'm a thief and I'm here to steal your heart <3



No'ng una manghuhula, ngayon naman magnanakaw na. Pambihirang babaeng 'to ang daming sideline!



Jaq: Kulang ka ba sa aruga at pagmamahal ng magulang?



Paano naman kaya nalaman ng isang ito ang facebook ko? naka-private naman iyon tapos single name pa?

"Tangina talaga ng bunganga no'ng Niccolo na 'yon..." hula ko lang kasi madaldal naman talaga si Niccolo, panigurado ako ganito sasabihin no'n sa akin;

"Sorry na, Jaq! Mahirap lang para sa akin tanggihan ang mga favor ng magagandang dalaga!" walang duda ganiyan na ganiyan sasabihin no'n sa akin...hayok 'yon sa chix, eh! Tangina talaga no'n.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 01:45 pm pa lang at wala akong magawa rito sa bahay hanggang sa maisipan kong magtimpla ng kape, 3 in 1 kopiko blanca. Oo, Kape sa mainit na panahon at Boulevard of Broken Dreams Ng Green Day naman ang background music ko. Ganito dapat ang buhay, chill lang. Dapat ganito palagi...sana ganito palagi...pero sinong niloloko ko? Sa isang katulad ko, hindi uso ang kumalma dahil sa mga demonyo na nasa loob ng isipan ko.

"Mag isa ka na naman, napaka miserable mo naman. Nakakaawa ka tignan." ganiyang mga salita ang palagi kong naririnig na habang tumatagal ay nasasanay na lang ako.

Bigla-bigla kong nararamdaman 'yong puyat, para bang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa. Malala na yata ako...kailangan ko na yata humingi ng tulong? Teka ano ba 'tong iniisip ko? Hindi, kikimkimin ko na lang. Ilang taon ko na rin naman itong kinikimkim at sanay na rin naman ako...hindi ko kailangan ng tulong may mga problema rin sila kaya bakit pa ako dadagdag?

Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumayo sa aking inuupuan. Tinungo ang drawer kung saan ko tinatago ang halos lima na bagong blade, 'yong apat nakabalot pa at bagong bili ko lang sa malapit na tindahan.

Ang depresyon ay hindi lang naman umaatake tuwing alas tres ng madaling araw. Minsan bigla bigla na lang itong magpaparamdam kahit alas dos ng tanghali, o kapag kasama ko ang mga kaibigan ko at nasa kalagitnaan kami ng halakhak. Ang depresyon ay walang pinipiling oras, bigla bigla na lamang siyang lilitaw sa pagkatao ko na parang sakit. Pero malala lang sa sakit kasi ang sakit tulad ng lagnat, ubo, sipon ay gumagaling kapag umiinom ng gamot, pero ang depresyon? Kahit ilang tabletas pa yata lunukin ko ay hindi pa rin ako okay. At iyon ang hindi nauunawaan ng mga tao, na ang depresyon ay hindi tungkol sa panglabas na anyo, ito ay tungkol sa loob. Isang bagay sa loob ko ay mali. Maling-mali na halos hindi ko na rin maitama.

Napaupo ako sa sahig, nakasandal sa pader na nakatapat lang sa may pintuan na kapag may pumasok man, bungad agad ang ginagawa kong hindi maganda.

"Sana makita ni mama..." bulong ko sa sarili ko habang dahan dahang hinihiwa ang kanan kong palapulsuhan gamit ang isang lumang blade na ilang beses ko na nagamit.

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon