Kabanata 22

348 73 56
                                    

Pagpaalam

•••

Biyernes ng gabi, ang huling lamay para kay Jorge. Madaming tao, halos lahat ng kamag-anak niya yata nandito. Sigurado ako, halos lahat sa mga 'yon hindi niya close. Hindi naman niya naikukwento sa akin ang mga 'yon...ni isang beses ay wala.

Nandito rin ang buong tropa namin no'ng high school, magkakasama kami sa isang row. Nandito rin si mama, mag-isa lang siya. Nandoon siya sa bandang harapan katabi ng ermat ni Jorge...nagkukwentuhan tungkol yata sa amin.

Ang huling lamay raw ang pinaka malungkot sa lahat. Ito 'yong oras na magsasalita 'yong mga malalapit na tao sa buhay ng namatay. Inunang tinawag ang dalawang kapatid ni Jorge. Dahil si Jorge lang ang uniko iho sa kanila, hindi siya gano'n ka close sa mga babae niyang kapatid pero mahal niya ang mga ito. Ayon ang maganda kay Jorge...kahit anong nangyayari sa buhay niya, mahal niya pa rin ang pamilya niya.

Sinunod ng tawagin ang mga tropa ni Jorge at kami-kami na nga iyon. Pinagkukwento lang nila ang mga kalokohan ni Jorge dati tapos sa huli magiging malungkot na 'yong mga sasabihin nila.

"Jaq Matteo!" sabi ng MC. Panghuli niya akong tinawag sa mga kaibigan at hindi ko alam kung anong sasabihin ko...taragis first time ko lang na gagawin ito.

Tumayo ako at kinuha ang mic. May inabot din sa akin na puting rosas para ilagay sa kabaong ni Jorge pagkatapos ng speech ko.

"Ahmm...hi, good evening." bungad kong pambati sa lahat.

Nakatingin lang sila sa akin...nag-aabang sa aking ipapamahaging kuwento.

"I know Jorge, he was my friend from elementary school and he is very talented and cool. We live together in harmony. Then everything changed when the fire nation attack. Only the avatar, master of all four elements, could stop them. But when the world needed him most, he vanished." pagbibiro ko dahil masyado ng malungkot ang aura sa lugar at alam kong ayaw ni Jorge no'n baka minura pa niya ako kapag nagdrama pa ako rito.

Nagtawanan sila lalo na 'yong mga tropa namin. Nakikita ko ang pagbulong nila sa akin ng gago, hayup ka talaga.

"Favorite lang kasi talaga namin 'yong Avatar the legend of Aang noon, pasensya na. Matagal na kaming magkaibigan ni Jorge, simula elementary pa lang." pagsisimula ko.

"Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat, siguro ayon 'yong panahon na may nagpapa-abot ng papel sa akin tapos pinasuyo ko sa kaniya kaya parehas kaming nalista sa noisy, tapos naging cleaners kaming dalawa...balak niya pa ngang tumakas noon pero tinakot ko siya, sabi ko isusumbong ko siya kay ma'am." pagkukuwento ko.

Hindi ko alam kung nakakatawa ba 'yon pero may mga tumatawa naman. Hindi naman kasi ako funny guy kagaya ng iba. May sense of humor naman minsan pero feeling ko sa mga kaibigan ko lang iyon napapakita.

"Nagulat pa nga ako no'ng nalaman kong kaklase ko pa ulit siya no'ng high school. Feeling ko pa nga no'n, may gusto siya sa akin kasi ayaw niya ako lubayan...sabi pa nga niya, tadhana raw 'yon." pagpapatuloy ko.

Hindi ko na lang alam kung ano-ano pinagsasabi ko kasi para bang bumabalik 'yong mga alaala ng nakaraan ngayon na gusto-gusto kong ikuwento.

"Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya kasi hindi niya ako nilubayan hanggang no'ng nabubuhay pa siya. Kahit wala akong kuwentang kaibigan, hindi niya ako iniwan sa ere. Kung may nagawa lang sana ako...kung natulungan ko lang sana siya. Kung alam ko lang kung nasaan siya no'ng araw na 'yon...kung kinausap ko lang siya ng matagal no'ng gabing 'yon...huling gabi na pala 'yon...kung nakapag paalam lang sana ako sa kaniya..." sinubukan kong hindi umiyak sa harapan nila kahit na tumutulo na 'yong sipon ko.

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon