Kabanata 31

448 70 31
                                    

Ang bayaning babangon muli

•••

I started walking home when my phone kept on vibrating sa bulsa ng suot kong jogging pants. Kinuha ko ito at binuksan;


Lycka Salamanca: Sining asan ka na?

Lycka Salamanca: Busy ka pa ba??

Lycka Salamanca: Uyy pupunta ka pa ba?

Lycka Salamanca: Ano ba yang ginagawa mo? pwedeng itigil mo muna? I need you!

Lycka Salamanca: Sining!! I NEED YOU ASAP!! Mababaliw na ako! Kailangan kong mailabas itong sama ng loob ko!!

Sining Fedeli: Pwede ba Lycka, next time na lang? Hindi lang ikaw ang may problema, ako rin! Hindi lang sayo umiikot ang problema kaya please lang huwag mo kong kulitin!


Pinatay ko ang cellphone ko upang hindi na makatanggap ng messages mula kay Lycka.

Parati na lang nila akong kailangan at ngayon lang ako nangailangan ng isang taong tatanungin ako kung ayos lang ba ako, kumusta ako? Kasi for once, kailangan ko naman ng tulong. I'm hurt and I needed a friend pero bakit parang wala?

Tapos pag-uwi ko ay nandoon na naman siya...nakaupo. Handa na ang tainga ko pati na rin ang utak ko sa mga salitang kaniyang ibabato sa akin.

"Saan ka na naman pumunta, Sining? Nakipag kita ka na naman ba sa boyfriend mo? Ano, sumagot ka!" galit niyang bungad.

"Hindi po."

"Saan ka galing? Kina Lycka na naman ba?!"

"Hindi po."

"Pambihirang babae ka, ano bang nangyayari sa'yo?! Hindi ka naman ganiyan dati, ah? Ano, gusto mo bang matulad sa ibang babae na tumatambay sa dis-oras ng gabi, ha?! Gusto mo na bang mabuntis? Kaya mo na sarili mo? Wala ka pa ngang napapatunayan gusto mo agad lumandi at mag-asawa?! Ayaw mo na ba mag-aral? Sabihin mo lang! Hindi madali ang tatahakin mong landas sa maling desisyon, ha, sinasabi ko sa'yo!"

Napabuntonghininga na lamang ako. Nakakasawa na 'yong ganitong eksena palagi. Being judge by your family is the worst kind of pain...always.

After ng ilang minutong sermon, pinaakyat na ako sa kuwarto. Binagsak ko ang sarili ko sa kama. I cuddle myself so tight that I began to cry.

"No, Sining. Huwag kang umiyak...this is just a bad day, not a bad life." pagpapakalma ko sa aking sarili na parang wala naman talab.

Pain is never permanent but tonight it's killing me. Para akong binagsakan ng meteorite. Wala akong nagawa kundi iiyak lamang ang lahat hanggang sa makatulog ako.

Pagkagising ko, my eyes were so swollen. Halos ilang beses akong naghilamos at nagpulbo para walang makahalata. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ito pati na rin ang data connection. Tinignan ko ang notif at nakatanggap ako ng  message from Lycka.


Lycka Salamanca: I'm sorry Sining.

Lycka Salamanca: Advance Happy Birthday :)


And then, I suddenly felt guilty. Hindi ko sinasadya sabihin 'yon kay Lycka kagabi. Hindi naman niya alam ang nangyari sa akin no'ng mga oras na 'yon. Siguro nadala lang ako ng emosyon ko.


Sining Fedeli: Sorry Lycka, kuwento ko sayo mga nangyari mamaya sa school.


Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon