Kabanata 16

447 89 52
                                    

Ang eksena sa cafeteria

•••

Tapos na 'yong event at patuloy pa rin ang pagpatak ng ulan. Nakatayo kami sa labas, sa tabi ng gate ng school at hinihintay sina Salem at Maki na nasa loob pa.

"Matagal pa ba sila?" tanong ni Seb kay Niccolo.

"Hindi ko alam pero sabi ni Xowie hintayin lang sila at sasabay raw pauwi."

Pasado alas onse na rin kasi natapos ang event at mag aalas-dose na ngayon. Ibig sabihin mahirap ng makahanap ng masasakyan kaya maglalakad kami, ihahatid muna namin si Maki sa bahay nila dahil delikado umuwi ang isang babae sa dis-oras ng gabi. Si Salem ay malapit lang naman kina Niccolo ang bahay.

"Ano ba ginagawa nila? nagmemake-up pa?" tanong ulit ni Seb, mainipin kasi siyang tao.

"Nagmemake-up ba 'yong mga 'yon?" tanong ni Lucas, "Parang hindi naman."

"Hindi nagmemake-up 'yong dalawa...lipstick lang." sagot ni Niccolo.

"Sabagay, maganda naman sila kahit walang make-up." sambit ni Seb.

"Aysus! May crush ka sa isa sa dalawa, noh?" pang-aasar ni Lucas kay Seb.

"Luh, ano 'ko gagu?"

"Hoy! Umayos ayos ka! Huwag si Xowie!" sabat ni Niccolo.

"Asa, pre! Mataas standards ko!"

"Si Maki noh?" pang-aasar ko rin.

"Tanga, hindi ah! Tropa 'yon!"

"Weh?"

"Taragis na 'yan ayaw maniwala pota!" pikon na sabi ni Seb sa amin.

Maya-maya pa ay may isang e-bike ang huminto sa aming harapan at napatingin kami sa kaniya.

"Hi, Jaq!" bati ni Sining.

"Hoy..." sabi ko at tumango-tango.

"Sabay ka na sa'kin?"

"Ayiiieeee!" pang-aasar na naman ng tatlo sa akin.

"Ayoko nga, basang-basa ka." tugon ko.

"Kaya nga sumabay ka na para payungan mo ako tapos yakapin ako habang nagmamaneho!"

"Asa."

"Aasa talaga ako kasi paasa ka!"

"Umuwi ka na nga...gabi na."

"Kingina Jaq, nag-aalala ka para kay Sining? Nakakapanibago 'yon, ah?" pang-aasar ni Lucas.

"Lul!" bwelta ko.

"Ang sweet naman talaga ng bebe Jaq ko!" malambing na bigkas ni Sining.

"Hahahaha bwisit namali ako ng dinig sa sinabi mo!" sabi ni Seb.

"Hay! bastos talaga isip mo! Walang L!" pagkasabi ni Niccolo no'n ay binatukan niya si Seb.

"HAHAHAHA Sorna!"

"Osya, hindi ka ba talaga sasabay sa akin?" tanong ulit ni Sining sa akin.

"Hindi nga."

"Okay!" pinaandar na nito ang kaniyang scooter, "Usap na lang tayo pag-uwi mo." hirit niya pa bago tuluyang pinaandar ang scooter niya at umalis sa paningin namin.

"Tangina mukhang nagkakamabutihan kayo, ah?" sabi ni Niccolo.

"Gagu, hindi."

"Ano 'yong usap na lang tayo pag uwi mo, ha?"

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon