Kabanata 8

568 130 84
                                    

Ang huling speaker

•••

Sumapit ang lunch break kaya tinungo namin ang karinderya katapat ng school at umorder ng giniling, at si Niccolo lang ang naiba dahil porkchop ang kaniyang binili.

"Babalik pa ba tayo ro'n?" tanong ni Niccolo.

"Taragis na 'yan, huwag na! Ang boring-boring doon!" sabi ni Seb.

"Tanga, sayang 'yong nasayang na nating oras, atsaka wala pa tayong attendance, sayang punta natin." sabi ko.

"Taragis naman, tutulugan ko 'yon mamaya!" naiinis na sambit ni Seb.

"Gagu umayos ka, na kay sir agustin pa pala 'yong cellphone natin." sabi ni Niccolo.

"Parang may magchachat sa'yo na chixx do'n, eh, wala ngang nagkakagusto kahit isa sa'yo." Ani Seb.

"Gagu bagong bili lang kasi 'yon!"

"Pake ko?"

"Pake mo? kasalanan mo kaya kung bakit nakuha 'yon! Nag-aya ka pa mag ml!"

"Luh, game na game ka ngang hinayupak ka!"

"Awat na pambihira! Kumain na lang kayo r'yan." pag-aawat ni Lucas sa dalawa dahil napagigitnaan siya nito.

Hindi puwedeng ipagtabi si Seb at Niccolo dahil lalong iingay ang paligid namin.

Matiwasay kaming nakatapos ng kain at dahil wala pang alas dos, tumambay muna kami sa may waiting shed na may kaunting kalayuan sa school para magyosi. Ako, si Niccolo, si Lucas, si Seb at 'yong mag ina na nag-aabang ng jeep ang nakaupo sa waiting shed. Buti na lang talaga wash day ngayon baka isipin no'ng nanay ay masyado nang napapariwara ang mga kabataan ngayon dahil imbis na mag-aral, eh, nagbibisyo. Hindi niya alam multi-tasker kami.

"Ang init-init naka long sleeves ka?" sabi ni Niccolo sa akin habang hinahawakan ang damit ko...buti na lang hindi niya tinaas iyong sleeve dahil mabubuking ako. Naka puting long sleeves shirt kasi ako ngayon para matago 'yong mga hiwa ko sa palapulsuhan.

"Walang basagan ng trip." sabi ko sa kaniya.

"Kainin mo na 'yan kasi hindi ka pa nag tatanghalian." rinig naming sabi no'ng kasama naming nanay sa anak nito na siguro anim na taon pa lang at may hawak hawak na yum burger.

"Hawak ko lang, ayaw ko pa!" sagot ng bata.

"Sige ka, kapag hindi mo pa kinain 'yan ibibigay ko 'yan sa kuyang katabi natin." dagdag nitong sambit sabay tingin kay Seb dahil siya ang katabi nila, bilang tugon ngumiti sa kanila si Seb.

"Ayaw!" pagmamatigas ng bata.

Hindi na lang namin pinansin ang usapan ng mag-ina.

"Hindi ba binigyan kita ng t-shirt na baybayin 'yong tatak?" sambit ni Lucas.

"Oo, sinusuot ko kapag nasa bahay."

"Hanep na 'yan pinapambahay lang niya, oh! Squad shirt natin 'yon, Jaq!" sambit ni Niccolo.

Mga naka baybayin t-shirt kasi sila. May kamag-anak kasi si Lucas na mayroong t-shirt printing shop kaya doon siya nakakapagpagawa ng mga baybayin prints...bibili na lang siya ng plain t-shirt sa online o sa bayan. Pero sa pagkakaalam ko rin ay nagpapart time rin siya ro'n. Mas maganda sana kung code o binary ang kaniyang pinapaprint sa damit niya dahil ayon ang kurso niya pero mas trip daw niya ang kulturang pinoy lalo na ang baybayin na sulat. Kahit nga mga bracelet niya, eh, 'yong mga tipong design ay gawang ibang tribo sa pinas.

"Kaya nga hindi ko sinuot para hindi masira 'yong pagiging Rowdy Ruff Boys niyo." sabi ko sa kanila.

"Rowdy ruff boys na walang power puff girls huhuhu!" pagdadrama ni Niccolo.

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon