Kabanata 30

331 73 39
                                    

Hindi pa rin sapat

•••

Last time I check, we were just fine talking to each other. Then suddenly, he wasn't even online anymore. I felt like I've been ghosted by someone who's still alive and breathing. Also, midterm had come and passed. Finals is coming to us soon.

"Iyong kambal at si Lycka, mukhang may problema pa yata kayo sa isang subject, ah? Graduating na kayo! Nako, nako, nako ayaw niyo ba grumaduate? Hindi ba kayo nahihiya sa magulang niyo, ha? Ayus-ayusin niyo 'yang buhay niyo! Mga babae pa naman kayo!" sambit ni Sir Jolo sa grupo ni Lycka.

Hindi halos makatingin sila Lycka kay sir. Syempre sino ba naman ang makakatingin sa kaniya kung patuloy niyang ipapahiya ang mga estudyante niya ng ganiyan? Sir Jolo is funny at may sense of humor pero minsan 'yong jokes niya is way off the line at nakakapersonal. Hindi naman lahat ng estudyante insensitive gaya niya, katulad na lang ni Lycka at 'yong kambal naming kaklase.

Katabi ko silang tatlo, nakaupo kami sa dulo, kunwari may sinusulat na kung ano-ano tungkol sa docu.

"Ayusin niyo na 'yan agad, kung gusto niyo makagraduate on-time at makatulong na sa mga magulang niyo at hindi kayo palaging umaasa sa kanila. Gawin niyo na 'yon, huwag kayong ta-tamad tamad!" patuloy na sambit ni sir sa harap ng klase.

Four years in university and I have seen students crying in the comfort room, roofdeck, gymnasium and other corner of this place. University is cruel. The snake culture, sick teachers, family problems, GPA and anxiety, for the future to take away all of your happiness and kill your will to live. The saddest thing I have ever seen.

And I know Lycka, she's weak. Kinikimkim niya lang pero I know she's been thinking too much sa mga sinabi ni sir sa kanila. If only Sir Jolo would be a little nicer and considerate. Somehow he could have approach them personally at kinausap sila tungkol dito hindi 'yong i-a-announce mo sa buong klase ang tungkol sa bagsak nila at sila lang ang may posibilidad na hindi maka-graduate. Nakakahiya kasi 'yon, nakakawala ng self-confidence...ng self-esteem. Nakakababa ng sarili.

"Hindi 'yon totoo, tinatakot lang niya kayo." sambit ko sa kanila.

Pero hindi sila kumibo at ngumiti na lang. If only I could read minds...siguro nalaman ko na kung ano talaga ang totoo nilang iniisip, so that I could comfort them right.

"Mukhang magiging busy ako lalo hangga't hindi pa namin nalalaman 'yong grade namin sa kupal na subject na 'yon." sabi ni Lycka na medyo natatawa, pinipilit.

"Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako." sambit ko sa kaniya.

"Lagi ka naman nandiyan...'di ba?"

I nodded and smiled at her. At this time, Lycka needed a friend and I'm that friend.

Kasama ko ang mga kaibigan ko sa cafeteria at nakita ko sila Jaq sa paborito nilang puwesto. Hindi ko alam kung i-a-aproach ko ba siya kasi bigla na lang siya nahinto sa pagkaka usap sa akin. But the weird thing about being an ambivert is that, there's a part of you na extrovert...kaya nilapitan ko siya.

"Heeeey!" bati ko sa kanila.

I look at Jaq. He looked like a mess. Para bang ilang araw siyang hindi natutulog at para siyang may sakit.

"Medyo stressed si Jaq ngayon, hindi mo ba siya bibigyan ng motivation?" sambit ni Niccolo sa akin.

Sinubukan kong mag-isip...I didn't expect this to come. Hindi pa naman ako nakapag search kagabi ng something motivational and inspiring quote puro cheesy pick-up lines lang.

Buti na lang at nakita ko 'yong quotes for life na nakadikit sa pader. Hindi ko pinahalata na binabasa ko 'yon at dahil do'n, pinuri nila ako kahit na medyo nandaya ako kaya umamin na lang ako at natawa sila.

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon