Kabanata 2

1.4K 267 118
                                    

Ang mga tropa

•••

Mag-isa na naman sa maliit na kwartong ito. Mas lumalala talaga ang gabi lalo na kapag ang ulam mo ay pancit canton at nilagang itlog ta's ikaw lang mag-isa. Hindi ko alam kung bakit, pero lalo ko lang naiisip kung gaano kalungkot ang buhay ko.

Tinawagan ko si mama upang kumustahin, nakatira lang naman sila ng kapatid ko sa kabilang siyudad na malapit, tatlong sakay mula rito sa aking inuupahan. Sinagot niya ang tawag ko pagkalipas ng anim na ring.

Wala pa nga yatang balak sagutin...

[Ayos ka naman d'yan?] tanong niya mula sa kabilang linya.

"K lang." tipid kong sagot.

[May kailangan ka ba? May babayaran ka ba? Dagdagan ko ba allowance mo?]

"Wala kong babayaran, ayos lang naman 'yong allowance ko 'di mo na kailangan pang dagdagan."

[Gano'n ba, bakit ka napatawag?]

Bakit parang ayaw mo kong kausapin?

"Napindot lang..."

[Ahhh, malapit na nga pala debut ng kapatid mo, pupunta ka ba?]

"Bakit, hindi ba 'yon matutuloy kapag wala ako?"

[Matutuloy naman pero kung gusto mo pumunta, pumunta ka na lang dito. Sabihan mo muna ako kung tutuloy ka, ha?]

"Ge pag-iisipan ko...bye." pagkababa ko ng tawag, kinuha ko ang isang kaha ng marlboro sa aking bulsa at kumuha ng isang stick atsaka sinindihan ito gamit ang lighter na kinuha ko rin sa bulsa ng suot kong short.

Some people smoke, others drink and others fall in love, each one dies in a different way kaya mas pipiliin ko na lang mamatay sa paninigarilyo kasi at least ayon, mapayapa.

"Hoy tol! Buksan mo 'tong pinto!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa labas na agad ko naman pinagbuksan ng pinto.

"Anong kailangan mo?" bungad kong tanong.

Agad-agad siyang pumasok sa loob kahit hindi ko pa siya pinapatuloy at komportableng humiga sa kutson.

"Pinalayas ka na naman ba ng erpat mo?" tanong ko sa kaniya habang inaalukan ng isang stick ng sigarilyo.

"Parang gano'n na nga ulit..." sabi niya habang sinisindihan ang yosi niya.

Umupo lang ako sa may pasimano ng bintana habang tinitignan ang kupal na bwisita ko.

Siya si Jorge, kulot ang buhok at may makisig na pangangatawan. Katangkaran ko lang din, mga 5"9. Kaibigan ko simula no'ng elementary, highschool at sa kamalas-malasan, eh, kaibigan ko pa rin hanggang ngayon.

"Nagnakaw ka na naman ba ng walang kuwentang gamit sa bahay ng kaklase mo? Pinakawalan ka kasi tatay mo pulis?" pagbibiro ko.

"Tanga, ano? gawaing high school pa rin?"

Oo nga pala, gawain namin no'ng highschool 'yon. Pareho kaming naaabsuwelto dahil parehong tatay namin ay pulis. Gano'n kabilis makaligtas sa batas kapag malakas ang back-up lalo na kung ang back-up mo ay isa sa mga alagad ng batas.

"Nalaman ng erpats ko na kasali ako sa isang frat sa school," aniya.

"Gagu, anong sabi sa'yo?"

Inayos niya ang kaniyang tindig na kagaya sa kaniyang erpat, chest out at medyo nakanguso dahil makapal ang labi ng kaniyang ama.

"Ehem, ehem, hinayupak kang bata ka! Wala ka bang gagawing matino? Pinag-aaral ka ng maayos tapos malalaman kong sumasali ka sa mga ganiyan! Kanino ka ba talagang anak, ha? Hindi mo na ako binigyan ng respeto! Isa kang kahihiyan! Lumayas ka rito sa pamamahay ko! Doon ka na tumira sa mga Ka-frat mo! Puro ka gulo! Away! Kailan ka ba titino!?"

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon