Ang seminar
•••
Sabado, nandito kami sa auditorium ng school. Wala naman kaming saturday class kaso itong college president namin napakaraming alam at nagpa-seminar pa tungkol sa mental health awareness at ang malala pa roon required pumunta lalo na ang mga graduating students na may seminar class next sem.
"Sorry mga pre ngayon lang ako." bungad ni Seb sa amin dahil isang oras na siyang late.
"Mabuti tropa ka namin, ayan tinabihan ka namin ng upuan." sabi ko sa kaniya habang binababa 'yong bag ko na nakalagay sa extrang upuan para sa kaniya.
"Tangina mahal mo talaga ako, eh, noh?" sabi niya sa akin habang papaupo sa kaniyang pwesto.
"Lul hindi ka kamahal mahal."
"Ano na pinagsasabi niyan?" turo ni Seb sa nagseseminar sa harap dahil nasa dulong hilera kami.
"Malay namin d'yan mukha ba kaming nakikinig?" sagot ni Niccolo.
"Ano nga ba maaasahan ko sa'yo?" tugon ni seb.
Buti na lang at napagigitnaan ko itong dalawa dahil panigurado, eh, may munting bardagulan na naman na mangyayari sakanila.
"Tungkol sa mental health issues na na-e-encounter daw ng mga students." sabi ni Lucas kay Seb na nakaupo sa dulo, malapit sa pader at katabi ni Niccolo.
"Pag-aksaya ng oras na nga rito ay isa ng mental health issue para sa akin. Bakit i-re-required kung wala naman sense sa pinag-aaralan?" reklamo ni Seb.
"Tangina ka ikaw nga walang sense, common sense. Syempre importante 'yan sa mga mayroong mental health issues." sambit ko.
"Pfft! Ang drama naman no'n..." sabi ni Seb na hindi ko na lamang pinansin, kahit ang totoo no'n ay na-offend ako.
Isa sa mga rason kung bakit ako pumunta sa seminar na ito ay dahil sa topic na Mental Health. Baka sakali lang naman na makatulong 'yong mga guest speaker sa akin pero sa ngayon, 'yong unang speaker ay napaka boring. Sa sobrang boring, eh, inaantok lamang ako.
Tanaw sa aming inuupuan ang naka upo sa harapan na sina Salem at Maki na may hawak na DSLR na siguradong kinukunan ng picture ang mga bisita. Sa kabilang side naman ay nakaupo sa harapan ang seryoso at napaka buting mag-aaral na si Sining na nag-te-take down notes pa sa kung ano man sinasabi ng lalaki sa harapan niya na halata naman na copy + paste lang sa google ang sinasabi at hindi talaga alam ang sinasabi niya.
Bakit ba nag-te-take down notes 'yong babaeng 'yon? Ano, may quiz lang pagkatapos nito? Pati ba naman ganito ginagawan ng quiz? Sinasali sa grades? Pambihira...wala na ba silang maituro?
"Huy, sinisilayan niya si Sining!" biglang sabi ni Seb na may kasabay pang kiliti sa tagiliran ko.
"Gagu, hindi ah!"
"Ayieeee!" pang-aasar pa nilang tatlo.
"Hindi nga! Parang tanga 'tong mga 'to, gawang issue potek!"
"Alam mo naman ang kasabihan 'di ba, kapag umamin sa'yo ang isang tao na may crush siya sa'yo, malamang na magkakacrush ka rin sa taong 'yon! Gano'n 'yon palagi, Jaq." sabi ni Niccolo.
"Tama tama!" pagsang-ayon ni Seb.
"Tanga, sa tv lang nangyayari ang ganiyan hindi sa totoong buhay. Atsaka sigurado akong trip lang ako ng babaeng 'yon."
Halos wala kaming ginawa sa seminar at wala naman kaming pake sa sinasabi ng guest speaker dahil may sarili kaming mundo sa likod...palagi naman.
"Pota, bobo, panaw!" bulyaw ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/229141983-288-k120679.jpg)
BINABASA MO ANG
Minsan, Madalas (Life Series #1)
Romance[COMPLETED] Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim...