No Smoking
•••
Ako'y nabigla no'ng inilapat ni Salem ang labi niya sa aking labi. Dahan-dahan niya akong hinahalikan. Hawak ng isa niyang kamay ang aking pisngi at ang isa naman ay dahan-dahan hinahaplos ang aking batok. Nakapikit ang kaniyang mga mata at halos hindi ko alam ang mga nangyayari. Bumibilis ang tibok ng puso ko at unti-unti kong nagugustuhan ang ganitong pakiramdam.
Ang aking dila ay dumulas sa loob ng kaniyang bibig, banayad ngunit hinihingi, at bigla kong naintindihan kung bakit inilalarawan ng mga tao na ang isang halik ay nakakatunaw dahil ang bawat parisukat na pulgada ng aking katawan ay bumubulusok sa kaniya. Hinawakan ng aking mga daliri ang kaniyang buhok, hinila siya papalapit. Tumitibok ang aking mga ugat at para bang gustong sumabog ng puso ko. Hindi ko pa nagustuhan ang sinumang tulad nito. Kailanman.
"Jaq!'"
Napabalikwas kaming dalawa ni Salem ng marinig namin ang boses ni Niccolo sa sala. Agad namang umatras ng ilang hakbang si Salem palayo sa akin.
"Anong ginagawa niyo d'yan?" tanong ni Niccolo ng makita niya kami sa kusina.
Tinignan ko lamang si Niccolo at napakibit balikat lang ako sa kaniya.
"Naghahalikan." biglang sambit ni Salem na parang wala lang. Nagulat ako sa kaniyang sinabi at nag ubo-ubuhan.
"Ano!?" pagtataka ni Niccolo.
"Naghahalikan kami dito." seryosong bigkas ni Salem kaya lalo akong inubo.
Malakas na halakhak ang binuga ni Niccolo sa sinabi ng kaniyang pinsan. Akala siguro nagbibiro.
"Kayo?!" paturo-turo pa sa aming bigkas ni Niccolo, "Kayo? Maghahalikan? Ha! Hindi mo ako maloloko, couz! Gagu napaka-imposible no'n! Tangina trip niyo 'ko, ha?" dugtong niya.
"Totoo 'yong sinasabi ko sa'yo, kung hindi ka lang dumating baka sa kwarto mo na kami naabutan." sambit ni Salem kaya hinampas ko ng mahina ang braso ni ito, hindi pinahalata kay Niccolo.
"Couz, imposibleng halikan ka ni Jaq! Una, hindi ka niya gusto. Pangalawa, may Sining na 'yan! at pangatlo, hindi ka niya gusto! Ang layo! Pina-prank niyo 'ko, ha?"
"Hindi kami ni Sining." Sabi ko.
"Okay okay okay! Whatever sa inyong dalawa."
May inilapag na paper bag si Niccolo sa counter table.
"Ayan ha! Bumili na ako ng gamit sa robot natin para sa capstone project." sabi niya sa akin sabay tingin kay Salem.
"Ano pala kailangan mo, ha?" tanong nito sa pinsan niya.
"Wala. I'll go home na."
Nagsimula ng maglakad palayo si Salem sa kusina at tinignan lang namin siya ni Niccolo.
Pero tumigil siya sa kalagitnaan at lumingon sa amin. Tinignan niya ako at maya-maya pa ay inirapan niya ako at tuluyan ng umalis sa bahay. Narinig pa namin ang pagsara niya ng pinto.
"Attitude talaga..." bulalas ni Niccolo na sinang-ayunan ko naman.
•••
Pagkatapos namin ubusin ni Niccolo 'yong fries, umakyat ako sa kuwarto para sana matulog kaso sa tuwing pipikit ako ang naaalala ko ay ang pangyayari kanina sa kusina.
"Tangina akala ko ba pampakalma 'yon? pota na-scam yata ako?! Ahhhh!" mahina kong sambit sa aking sarili.
Taragis...tatlong taon na ang nakakalipas simula no'ng huli kong relasyon. Kaya siguro lumingon si Salem dahil baka...baka akala niya first time ko!? Pota!
BINABASA MO ANG
Minsan, Madalas (Life Series #1)
Storie d'amore[COMPLETED] Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim...