Pupuntahan kita palagi
•••
Pagkapasok ko sa cafeteria unang bumungad sa akin ay si Salem at ang isang babae. Mainit ang tinginan nila sa isa't isa na para bang handa na silang magsampalan. Pinanood ko lang ang dalawa na magbangayan sa isa't isa.
Masyado na silang nakakakuha ng atensyon sa cafeteria baka mamaya masumbong sila sa guidance, graduating pa naman na si Salem kaya inawat ko na siya. Tinungo namin ang pwesto nila Jaq, umupo si Salem sa tabi ni Maki at tumayo na lamang ako sa gilid. Nagkaroon din kami ng kaunting hindi pagkakaunawaan ni Salem pero syempre, I stand for what I think was right.
Tumayo siya sa pagkakaupo niya at lumapit sa'kin. She stood in front of me and crossed her arm. She look at me in the eye, too deep like she's reading it.
"Now you're making me think that I'm a flirt and a slut..." she sighs and continued. "Sabagay, you wouldn't understand what it feels when people start to call you names. Naranasan mo na ba 'yon, Miss dean's lister?"
Yes, I have. If only I can tell you that I'm not the perfect student you claim me to be. I didn't gain that kind of names without people expecting so much at me. I am carrying a lot of weight over my back. I have my own imperfections too. I'm fighting on my own battlefield.
I did not answer her. Nakatunganga lang ako sa harap niya. Pipigilan ko pa sana siya umalis upang gantihan 'yong kaaway niya pero hindi ko kinaya si Salem. She does what she wants to do...I felt a little jealous of her sa part na 'yon. She acts tough because she is indeed tough. She knows how to fight for herself. She knows her worth. She only state facts and most importantly, she's not afraid to say her opinion out loud. Sana all of her traits meron din ako...baka sakali 'yong takbo ng buhay ko mag-iba.
But I always care...palagi kong inuuna ang iba kahit alam ko na no one cares for me. Mahirap pala maging mabait at maunawain palagi.
While I was overthinking, nakikita ko si Jaq through my peripheral vision, staring at me. I wonder what was he thinking when he's staring at me?
"Titig ka ng titig sa akin tapos kapag tinitigan kita, iiwas ka? Mahina!" pagbibiro ko sa kaniya.
He denies it na para bang ang laking issue kung tumititig nga siya sa akin. Ano siya artistahin? Pfft!
•••
Mabilis lang ang panahon, hindi ko rin namamalayan na ang bilis din ng takbo ng oras. Setyembre na at nasa kalagitnaan na kami ng semester na ito. Madalas na rin kaming nagkakachat ni Jaq pero sa personal naiilang pa rin siya sa akin makipag usap.
Hindi ko alam kung anong tawag sa relasyon na ito dahil ang gulo niya. Ayaw niya pa rin ibigay 'yong hinihingi kong label...malapit na birthday ko, eh. Ang kinaganda sa tagal namin pagchachat ay ang pagiging open sa akin ni Jaq. He's trusting me with his problems and thoughts.
Why do we girls feel attracted to guys with a lot of issues in life? Bakit gano'n? Nakakapagtaka lang...
Jaq: sa tingin ko galit pa rin sa akin 'yong mama ko dahil sa ginawa ko sa birthday ng kapatid ko
Sining Fedeli: Paano mo naman nasabi yan?
Jaq: feeling ko lang...
He overthinks everything again lalo na sa pamilya niya. Mag katulad nga kami.
Sining Fedeli: Walang magulang ang galit sa anak nila noh
Parents only wants what's best for their child kahit minsan sobrang strict na nila and sobrang taas ng expectations nila, they only want the best result for their child. Ayaw nilang maranasan ng anak nila 'yong hirap na naranasan nila noon. Gano'n naman lahat ng magulang mag-isip.
BINABASA MO ANG
Minsan, Madalas (Life Series #1)
Romance[COMPLETED] Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim...