Tayo tuwing gabi
•••
Alas nuebe na kami nakasakay sa jeep dahil sobrang haba ng pila sa terminal at dahil magbabarkada kaming apat, kami lang ang maingay sa loob.
"Foundation week na nextweek." bulalas ni Seb.
"Bukas bentahan ng ticket 'di ba?" tanong ko.
"Magkano ba?" tanong ni Lucas.
"Isang daan daw." sagot ni Niccolo.
"Kingina, isang daan? Ano 'yon ginto?" reklamo ni Seb.
"Hindi lang isang daan ang ginto, Seb." sabi ko sa kaniya.
"Gagu Parokya kasi highlight performance sa foundation day! Free concert sa gabi 'di ba nga?" saad ni Niccolo.
"Luh, PNE? 'di nga?" tanong ko kasi akala ko mga banda lang sa school ang magpeperform sa free concert.
"Oo nga! Tapos mga front act 'yong mga banda-banda sa school! Kaya nga may isang daan na bentahan para sa ticket, eh!" dagdag pa ni Niccolo.
"Legit 'yan, ah? Payag ako magbayad ng isang daan kahit free concert tawag nila do'n basta nandoon parokya!" sabi ni Seb.
"Gagi legit 'to! Galing kay Xowie 'yong info na 'to!"
"Ayy reliable source nga! Legit nga!" wika ko.
Ang tawag ni Salem doon ay information gathering, hindi chismis. At madami siyang researchers na mapagkukuhanan ng information na 'yon, famous siya, eh?
Dahil sa traffic, kung ano-ano na naging topic namin hanggang sa mapadpad kami sa usapan na Paano kung hindi kami mga nag I.T?
"Paano kaya 'yon kung nag law ako, noh?" sabi ni Seb.
"Iyong nag lawyer ka tapos pikon ka, pustahan tayo sasabihin mo lang sa korte, 'Anong objection your honor, tumahik ka mukha kang hotdog!', ayon panigurado sasabihin mo sa kabilang panig. Kahit bawal baka sabihin mo 'yon." natatawang sambit ni Lucas.
"Paano kapag nagpulis ako?" tanong ko.
"Kapag nagpulis ka tapos malakas trip mo, sasabihin mo siguro sa kriminal, 'Sumuko ka na may iba na siya', gano'n hahaha!" sambit ni Niccolo.
"Hoy gagu bakit parang patama 'yan kay Jaq? Hahahaha walang personalan!" pang-aasar ni Seb sa akin sabay tapik-tapik pa sa likod ko.
"Gagu, 'di naman nasaktan 'tong tropa natin do'n, eh!" pagtatanggol ni Lucas sa akin.
"Kingina isang linggo nga 'yang hindi nakausap no'n! BH na BH! Hahahaha! First love yata 'yon, eh?" pang-aasar ni Seb.
"Nakakatawa 'yon?" ani ko.
"Hahahaha ang linyahan ng mga pikon ay nasabi na! Sorna Jaq!" sabi ni Seb at sabay akbay sa akin.
"Namo."
Sa aming biglaang pananahimik sa loob ng jeep ay may hindi inaasahan na pangyayari. 'yong katabi kong batang lalaki na siguro anim na taon pa lang ay nahampas ako ng malakas sa hita.
"Ayy, sorry po." panghihingi ng pasensya sa akin ng nanay nito.
"Okay lang po, 'yon."
Maya-maya hinampas ulit ako ng bata sa hita ng malakas mga limang beses pa nga, abusado!
"Huwag, bad 'yan." awat ko sa bata.
Isa pa tamo pepektusan na kita, durog sakin 'yang bunbunan mo. Kulit mong bata ka, pasalamat ka nandiyan mama mo.
BINABASA MO ANG
Minsan, Madalas (Life Series #1)
Romance[COMPLETED] Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim...