Kabanata 19

377 82 38
                                    

Dalubyo sa buhay

•••

Lumipas ang ilang linggo at buhay pa rin kami pagkatapos ng midterm exam. Halos inaasikaso na namin ngayon ay 'yong capstone project namin para sa defense sa nalalapit na finals. Napagtripan lang namin ni Seb na maglakad pauwi kasi kailangan na namin mag-ipon para sa ikabubuti ng ekonomiya at ikakabuti rin ng aming bulsa...atsaka ayaw pa umuwi ni Seb sa kanila kaya gusto niya tumambay muna sa bahay.

Sa tahimik ng aming paglalakad, ang ingay nang isang sirena ng bumbero ang naging pamatay katahimikan naming dalawa.

"Hmm, may sunog yata?" mahina kong sabi sa kasabay ko.

"May tanong ako sa'yo Jaq..." sabi ni Seb.

"Pag math pass ako d'yan."

"Gagu, hindi math! Kitang gumagana lang utak natin do'n kapag kulang 'yong sukli sa atin, eh."

"Oh, ano 'yong tanong mo?"

Sinusulyapan ko siya habang sabay kaming naglalakad sa bangketa papasok sa isang tahimik na eskinita. Inaayos ni Seb 'yong bandana niyang kulay maroon na scarf. Kamakailan nahilig siya sa bandana...bumagay naman sa mahaba niyang buhok na mala Keempee hairstyle.

"Kapag ba nabuntis 'yong manananggal sasama kaya 'yong bata kapag hahatiin niya 'yong katawan niya?" seryoso niyang tanong.

Tangina talaga ng utak nito hindi ko rin minsan maintindihan, eh. Masyadong kakaiba 'yong mindset ng isang 'to.

"Gagu, malay ko! Atsaka wala namang manananggal sa siyudad, uso lang 'yon sa probinsya." saad ko at nangunang maglakad sa kaniya pero sumunod din siya sa akin.

"Kagabi nanonood kami ng zombie movie nila nanay at tatay sa bahay..." pagsisimula niya ng kuwento.

"Tapos?"

"Wala, naangasan lang ako do'n sa camera man."

"Bakit? Maangas ba 'yong kuha?"

"Hindi, ah! Hindi kasi siya kinakain ng mga zombie! Siguro nasa camera man 'yong vaccine? wala lang nagtataka lang ako---ARAY!" binatukan ko siya ng malakas para matapos na ang kaniyang mga walang kuwentang iniisip.

"Pinag-iisip mo mga walang kuwentang bagay, ano?"

"Bakit? Nakaka-curious naman talaga 'yon, ah! Paano kung magka-zombie apocalypse dito tapos wala 'yong camera man, e di nayawa na!"

Habang naglalakad kami ni Seb ay biglang may humarang sa amin na limang lalaki na para bang ka edaran o isang taon lang ang age gap sa amin at mga nakasuot din ng school uniform kaso hindi ko alam kung saang univ dahil wala silang suot na I.D, doon pa naman madalas nalalaman 'yon.

"Puwede bang magtanong mga repapits?" sabi sa amin ng isa at akala mo kung sino maka-asta dahil sa siga siga nitong pagtanong.

"Ano 'yon?" ani ko.

"May kilala ba kayong lalaki na pangalan ay Jorge Dela Cruz?"

Jorge Dela Cruz? si Jorge yata 'yong tinutukoy niya, ah?

"Bakit?" matapang kong tanong.

"Bakit? Kilala mo ba siya, repapits?"

Pinagmasdan ko mula buhok hanggang sapatos ang lalaking nasa harapan ko at ang pumukaw sa aking pansin ay ang tattoo nito sa kaniyang kamay na kapareho ng kay Jorge. Isang japanese writing...ka-frat yata ito ni Jorge? Hindi naman halata dahil mukhang maayos na estudyante naman sila. Malinis tignan.

"Wala akong kilalang Jorge Dela Cruz." sambit ko at nagtangka ng lagpasan sila ngunit pinigilan niya ako.

"Feeling ko kilala mo, eh." nakangisi nitong saad.

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon