Kabanata 14

460 90 38
                                    

Foundation day

•••

Foundation day, ang pinaka masayang araw ng mga estudyante dahil walang klase at puro events sa loob ng isang linggo. Puwera sa aming mga I.T graduating student dahil ang daming alam ni sir vergario at nagpa exhibit pa ng mga prototype ng aming capstone project at kailangan makalikom kami ng isang daan ka-tao para sagutan ang isang daan na survey form.

"Taray ah, ang bilis niyo naman yata makalikom ng one hundred survey, eh, konti lang naman pumunta sa exhibit niyo kanina? Nabilang ko mga bente lang yata." sambit ni Salem.

Nandito kami sa may 7-11, malapit sa school. Mamimili ng mga dapat ibaon para sa free concert with parokya mamaya.

"Natural dinuga namin." sabi ko sa kaniya.

Magkaharapan kaming dalawa at sa may glass wall kami nakapuwesto, 'yong dungaw ang labas ng paradahan ng 7-11.

"Kami-kaming magkakaklase lang din ang nagtulungan tapos dagdag mo pa na sinulat namin pati kamag-anak namin do'n sa survey para maubas na agad! Sinulat ko pa nga rin 'yong kamag-anak kong patay na, eh!" sabi ni Seb, ta's maya-maya parang nagdadasal na siya, "Salamat tito elias! Pagpalain ka nawa diyan. Amen." Sambit nito at nagsign of the cross pa nga.

"Hay nako, cheaters." maarteng bigkas ni Salem.

"Hello! May estudyante bang hindi nanduduga? Atsaka ang tawag do'n teamwork!" sabi ni Niccolo.

Anim kami at hinati namin ang isang pwesto sa tatlo. Katabi ko sina Seb at Lucas. Si Salem, Maki at Niccolo naman sa aming harapan.

"Bumili na nga kayo, look ang haba nang pila!" reklamo ni Salem sabay turo sa pila na nasa counter.

"Bili niyo na lang ako...kahit ano." sabi ko kina Seb no'ng patayo na sila sa upuan.

"Eh ikaw Xowie, hindi ka bibili?" tanong ni Lucas.

Naglabas lang siya ng limang daan at ibinigay kay Maki.

"Tinatamad ako pumila...masyadong nakakainip kasi. Ayan libre ko na 'yong mga bibilhin niyo."

"Kingina! 'yan gusto ko sayo Xowie napaka buti mong tao! hulog ka ng langit minsan!" sambit ni Seb.

Napatingin ako kay Salem na naka tingin sa apat habang nakapatong ang dalawa nitong kamay sa mesa at hawak-hawak ang kaniyang camera.

"Hulog talaga ako ng langit, ikaw lang naman 'yong mukhang ibinangon mula sa lupa." sabi niya kay Seb.

"Tangina pasalamat ka ililibre mo kami!"

"Salamat." mapang asar na ngiting sabi ni Salem.

"Tara na! tara na! 'yong malaking tubig na bilhin natin tapos paper cups." sabi ni Niccolo habang nangunguna ng maglakad papunta sa aisle ng mga inumin.

"Arte, kahit wala ng paper cups puwede naman tunggain na lang!" rinig naming reklamo ni Seb habang lumalayo sila sa puwesto namin.

Napatingin ako kay Salem na tinitignan 'yong camera niya.

"Kumusta na lovelife mo? may panglabing tatlo na ba?" tanong ko sa kaniya. Mema topic lang.

"Bakit, gusto mo ikaw na lang 'yong pang labing-tatlo?" sambit niya habang nakatingin pa rin sa camera.

"Asa." tumingin na lang ako sa labas kung saan kita ang mga nakaupo sa side walk malapit sa parking ng 7-11. Tanaw rin ang mga dumadaan na mga sasakyan at truck sa kalsada.

Nakafocus lang ako sa mga dumadaan na sasakyan ng biglang may narinig akong capture sound ng isang camera.

"Luh, burahin mo 'yan!" sambit ko habang inaagaw 'yong camera ni Salem pero 'di ko na rin pinilit kunin kasi nakakawala ng enerhiya 'yon.

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon