Kabanata 17

421 86 111
                                    

Mga banatan

•••

Mabilis lang ang takbo ng panahon at malapit na rin ang midterm exam.



Sining Fedeli: Ginagawa mo?

Jaq: humihinga

Sining Fedeli: Sabi ko nga hehehe



Ilang linggo na rin kaming nag-uusap ni Sining tuwing gabi at na open-up ko na rin sa kaniya 'yong tungkol sa pamilya ko na hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ni mama...kinakampihan siguro 'yong magaling kong kapatid.



Jaq: sa tingin ko galit pa rin sakin 'yong mama ko dahil sa ginawa ko sa birthday ng kapatid ko

Sining Fedeli: Paano mo naman nasabi yan?

Jaq: feeling ko lang?



Isa pa ro'n ay hindi naman ako tinatawagan ni mama dahil ako palagi ang tumatawag sa kaniya.



Sining Fedeli: Walang magulang ang galit sa anak nila noh



Anong wala? Imposibleng wala! Meron at meron at meron 'yon sa buong mundo, isa na ako ro'n!



Jaq: sabi mo eh

Sining Fedeli: Sa tingin ko kabaligtaran eh, ang anak ang galit sa magulang nila.

Jaq: galit ka rin ba sa magulang mo?



Ang tagal bago siya nagreply sa akin.



Sining Fedeli: Hindi ah. Natatakbuhan ko sila kapag may problema ako o kaya kung malungkot ako.

Sining Fedeli: Susuportahan ka nila sa lahat ng bagay, ganon naman ang pamilya.



May anak na pumupunta sa magulang nila kapag malungkot sila? At umasa sa kanila para sa suporta? Tangina! Totoong buhay ba talaga 'yon? Mga gano'ng anak ay walang duda na napaka blessed!

Nilapag ko ang aking cellphone sa aking higaan dahil nawalan ako ng gana na kausapin si Sining at sa maayos niyang buhay. Lumapit ako sa bintana upang dumungaw sa kalangitan ngunit umuulan ngayong gabi kaya walang bituin sa langit maski buwan nakatago rin. Nagsindi ako ng isang stick ng sigarilyo, hindi ko alam pero gusto ko talaga ang maulan na panahon, feeling ko dinadamayan ako nito sa miserable kong buhay. Ang ulan ang umiiyak para sa akin. Iniiyak nito ang hindi ko kayang iyakin.

"Wazzup, senti boy!" bati ni Jorge sa akin pagkapasok niya sa loob ng aking munting tahanan.

"Teka...bakit mo ginamit 'yong payong na 'yan?" tanong ko sa kaniya sabay turo sa payong.

"Favorite color mo pala sky blue? Feminine side mo nakikita ko na hahahaha!" pang-aasar nito habang nilalapag ang payong na nakabuklat sa bandang pintuan.

"Lul, hindi akin 'yan."

"Ayieee may syota ka na, noh?" pang-aasar niya.

"Tanga, sa kaibigan kong babae 'yan, hindi ko pa sinosoli...kalimutan ko."

Nakalimutan ko isoli pero hindi naman pinapaalala kasi ni Salem, baka mamaya masira ko pa 'yan tapos ginintuang payong pa pala 'yan...mahal ang bili. Mukha pa naman mahilig sa mamahalin ang babaeng 'yon. High maintenance 'yon.

"Osya osya matutulog na 'ko at maaga pa pasok ko bukas!" ani ni Jorge sabay bagsak ng kaniyang sarili sa kutson.

Hindi ko na lamang siya pinansin at itinuon ko na lamang ang aking sarili sa bumubuhos na ulan sa labas.

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon