Kabanata 1

2.5K 310 200
                                    

Si Jaq

•••

Buwan ng hulyo, miyerkules ng umaga, taong dalawang libo't labing-walo. Sa ikatlong palapag ng isang mumurahing paupahan, sa pasimano ng bintana roon ako'y nakaupo, nagmumuni-muni.

"Hush little kiddo
Don't you cry.
Don't slit your skin,
Don't say goodbye.
Put down that blade,
put out that light,
I know It's hard,
But you'll win this fight..."

Ilang beses ko na ba kinanta 'yan sa sarili ko? Halos hindi ko na mabilang. Kasabay ng pagmumuni-muni ay yosi ang na sa aking labi, matalas na blade naman ang hawak ng aking kanang kamay na dahan-dahang gumagawa ng linya sa aking kaliwang palapulsuhan na wala man lang kahit isang kapitbahay ang nakakapansin dahil wala namang tao sa kalsada. O sadyang wala lang pake ang mga tao sa akin. O baka naman akala nila parte pa rin ito ng puberty phase ng mga rebeldeng kabataan ngayon.

Ilang beses ko na ba ito ginagawa? Halos hindi ko na rin mabilang. Lagpas sa sampung linya para sa aking kaliwang kamay sa araw na ito. Pinagmasdan ko ang pagtulo ng dugo sa aking balat pabagsak sa sahig, hindi ko namamalayan na ganito na pala ako kamanhid.

Nilinis ko ang tumutulong dugo sa aking balat. Kinuha ko ang aking bendahe at tinakpan ang mga hiwa sa aking kamay. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong relo o wall clock dito sa aking inuupahan, feeling ko kasi palagi akong minamadali nito kaya mas okay ng walang gano'n para maramdaman ko man lang na tumitigil din ang oras. Pero ang tanging alam ko ay may klase pa ako ng alas syete at alam ko rin na late na ako dahil tirik na ang araw sa labas.

Nag-aaringit akong kumilos, buti na lang at naligo na ako no'ng madaling araw palang. Nagmadali akong sinuot ang aking uniporme, isinuot ang aking I.D;

Matteo, Jaq S.

BSIT 4-A

Na pinatungan ko rin ng paborito kong bomber jacket para maitago ko rito ang dapat itago...ang bendahe ko. Pagkatapos ng pag-aayos sa aking sarili, nilisan ko na ang maliit na kwartong aking inuupahan. Yosi sa aking labi at earphone sa aking tainga na nakasalpak sa aking cellphone na kasalukuyang pinapatugtog ang kantang; Welcome to My Life ng The Simple plan.

Handa na ako upang makipagsapalaran na naman sa lugar kung saan nakakatanggal ng enerhiya kahit nakaupo ka lang naman...ang school.

Nasa side walk ako at malapit na sa gate ng school ng biglang may tumigil sa gilid ko na isang itim na e-bike.

"Hi!" bati ng may-ari ng e-bike na may helmet na hindi natatakpan ang mukha.

Hindi ko siya pinansin kasi sabi ng magulang ko, don't talk to strangers lalo na kung 'di mo kilala.

"Sabi ko, Hi." aniya habang dahan-dahang pinapatakbo ang e-bike niya para magkasabay kami.

"You're Jaq, right?" tanong niya sa akin.

Lumingon-lingon pa ako sa paligid baka kasi may nakikita siyang hindi ko nakikita, eh, hindi ko naman siya kilala. Baka ibang jaq ang tinutukoy niya...rare spelling 'yong akin, eh.

"Ikaw 'yong kinakausap ko! Ikaw si jaq, hindi ba? BSIT student?" aniya.

"Hindi ako 'yon." pagsisinungaling ko sa kaniya para layuan niya na ako agad.

"Ganito na lang, huhulaan na lang kita..." aniya pero patuloy pa rin ako sa paglalakad,

"Hulaan ko na kusa kang lalapit sa akin at a-angkas sa scooter ko...tapos magiging boyfriend kita."

Minsan, Madalas (Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon