CHAPTER 1

350 5 0
                                    

CHAPTER 1

TATLONG TAON NA ANG NAKALIPAS simula nang maging ofw si Jellian, at sa tatlong taon na iyon ay puro paghihirap at pagtitiis ang dinanas nya.

Nung una ay inaalila pa sya  at pinapahirapan nang mga amo nya kalaunan ay tinatrato na syang basahan at ang pinakamatindi pa ay sinasaktan sya ng mga amo nya.

Tatlong taon. Tatlong taon nyang tiniis lahat ng iyon, ginagawa nya naman lahat pero para sa mga amo nya ay puro mali.

Habang nakahiga sya sa maliit nyang kama sa maliit na silid ng maid's quarter, ay nakatingala lang sya sa kisame habang nag iisip kung naging tama ba talaga ang naging desisyon nya tatlong taon na ang nakalipas.

Kinapkap nya ang mukha nya na puno ng pasa, sariwa pa ang mga iyon at masakit dahil kaninang umaga ay naulit na naman ang kalbaryo nya na gustong gusto nyang iwasan.

Sawa na sya sa pagpapahirap at pagtitiis pero wala man lang syang magagawa, nasubukan nya mang magsumbong sa embahada na pinag aplayan nya pero hindi naman sya tinutulungan dahil mas kampi at nasa panig ito sa mga amo nya.

Malamang ano naman ang magagawa nya? Mahirap lang sya at ang mga amo nya? Mayayaman na negosyante kaya sa ngayon wala syang magagawa kundi magtiis.

Sa ngayon?

Mapait syang tumawa ng mahina, siguro nga wala na syang magagawa eh.

Napatingin sya sa mga larawan sa pader na dinikit nya doon, larawan iyon nila ng ina at kapatid nyang si Jelly.

Napakasaya nila doon, sariwa pa ang mga alala nya kasama ang mga ito. Malungkot syang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga larawan.

Namimiss na nya ang mga ito, gusto na nyang mayakap at makasama ngunit hindi pwede. Kailangan nyang magtrabaho at mag ipon para sa mga ito lalo na sa pag aaral ni Jelly.

Bumangon sya at hinalikan ang larawan nila ng ina at kapatid nya, pinunasan nya naman ang luha na tumulo sa mata nya.

Nasa ganoon syang sitwasyon nang may malakas na katok ang bumulabog sa silid.

"Yahaira! Come out! How dare you! Come out!" Sigaw ng isang boses mula sa labas.

Sigurado sya ang amo nya iyon na babae, napalunok sya at inihanda ang sarili sa kung ano ang gagawin nito sa kanya.

Tumayo sya at binuksan ang pinto, nang makita sya ng amo na babae agad syang hinila nito palabas ng bahay.

"How dare you! Did you stole my expensive earings!" Agad na sumbat ng amo nya na dinuro pa sya.

Malakas syang umiling. "No maam! I didn't do anything. Please believe me." Pagmamakaawa nya dito.

Malakas na sampal ang iginawad ng amo nya sa kanya na nagpawala ng balanse nya kaya napaupo sya sa sahig.

"You bitch! I don't believe you! You thief, how dare you!" Hinila pa ang buhok nya ng amo na babae at kinaladkad sya papunta sa pool.

"If you didn't give back my expensive earings tommorrow, I'll assure that you'll going to jail for stealing and for your expired visa!" Pagkasabi nito iyon ay pinatid sya nito dahilan para mahulog sya sa pool.

Nang makaahon sya ay narinig nya ang boses ng amo nyang lalaki at ang anak ng mga ito na babae papunta sa kinaroroonan nila.

"Honey, what are you doing?" Anang amo nyang lalaki at tinungo ang asawa nito at hinalikan sa labi saka sya binalingan nang tingin.

Habang ang anak naman nang mga ito ay naka krus ang mga braso habang naka taas ang isang kilay na nakatingin sa kanya.

"What did this bitch do, Mom?" Mataray na saad ng anak ng mga ito habang tinitingnan sya ng nakakaawa.

UNEXPECTED DESIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon