CHAPTER 6

243 6 0
                                    

CHAPTER 6

IT'S ALREADY THREE WEEKS,at sa three weeks na iyon ay maraming nangyare ewan ba nya pero ayaw na nya isipin yun.

Ngayon nasa kwarto sya na ikuukupa nya at namimili ng damit na isusuot sabi kasi ni Evander may pupuntahan raw sila kaya heto sya nagpapaganda.

Sino ba pinapagandahan mo? Tanong ng isang bahagi ng isip nya.

Nalukot ang mukha nya. Tama nga naman sino ba pinapagandahan nya?

Aish! Di ba pwede magpaganda ha?!

Gusto nya lang naman maging presentable tignan, tsaka matagal na syang di nakakasuot ng magandang damit noh.

Tinignan nya ang damit na hawak nya. Kulay peach iyon at off shoulder.

"Pwede na siguro to, simple ngunit maganda." Saad nya. Agad nyang sinuot ang damit. Panaresan nya nalang nang maliit na white short para di makita ang panty nya.

Nang matapos sya ay tinignan nya ang sariling repleksyon sa salamin. Napangiti sya. Tama nga ang naging desisyon nya sa damit na isinuot.

Agad syang nag ayos at sinuklay ang medyo mahaba nang buhok.

Nang matapos sya ay agad nyang inihanda ang maliit na shoulder bag, doon nya inilagay ang cellphone nya at ang liptint nya.

Nag isip isip pa sya nang ibang dadalhin ngunit wala na syang maisip wala rin naman syang pera.

Kaya napagdesisyonan nya nalang na bumaba na at baka naghihintay na sa kanya sa ibaba si Evander.

Nang makababa ay sakto namang kakapasok rin ni Evander, napatingin ito sa kanya at bahagyang napatigil. Tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa at nasa sa mga mata nito ang paghanga habang nakatingin sa kanya.

"Bakit?" Tanong nya rito, nagtama ang kanilang mga mata.

Ngumiti ito sa kanya. "Beautiful."

Para namang may nagliparang paru paru sa tyan nya sa sinabi ni Evander.

"Handsome ka rin." Balik puri nya rito. Gwapo na gwapo rin ito sa simpleng suot nitong white t-shirt at black ripped jeans.

Mahina itong tumawa. "Ano ready ka na ba? Tara na." Saad nito saka nauna nang lumabas ng bahay.

Naiwan syang nakatulala at nakatingin sa pintong nilabasan nito.

Kapagkuwan ay napailing iling nalang sya at agad itong sinundan. Nilock nya muna ang pinto at tuluyan nang lumabas.

Agad nyang naabutan ito na nakasandal sa hood ng sasakyan nitong aston martin.

Binuksan nito ang pinto ng passenger seat. "Come on, sakay na." Aya nito.

Agad syang lumapit rito at sumakay sa sasakyan nito. Umikot naman ito patungo sa driver seat at agad sumakay.

"Ready ka na?" Tanong nito. Kanina pa nakakunot ang nuo nya sa tanong nito.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong nya rito.

Nagkibit balikat lang ito at agad pinaandar ang sasakyan. "Surprise." Agad nitong pinaharurot palayo ang sasakyan.

Buong biyahe ay nagtataka lang sya pero nanatili lang syang tahimik ayaw nyang makipag usap kay Evander dahil baka kung saan na naman patungo ang paguusapan nila.

Naaalala nya parin ang nangyare nung isang araw.

Kaya naman ay nanatili nalang syang tahimik kahit ilang beses na syang tinawag ni Evander.

Buong byahe ay naging awkward lang silang dalawa, di nagpapansinan o kung anoman. Tanging katahimikan lang talaga ang namuo sa kanila.

Hanggang sa makaramdamsya nang antok kaya naman ay inihilig nya ang ulo sa upuan at hinayaan ang sariling lamunin nang antok.

UNEXPECTED DESIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon