CHAPTER 3
NAWALAN NG PAG ASA SI JELLIAN ng umalis ang abogado kanina, at sa pag alis nito ay nagsimula na naman ang pang aalila ng mga amo nya sa kanya at ang pananakit nito.
At ngayon heto sya, tinitiis ang hapdi ng bawat sugat at pasa na natamo habang nilalagyan nya ng ointment.
Pagkatapos nun ay dahan dahan nyang inihiga ang sarili sa kama at hinayaan ang sariling makatulog dahil sa pagod.
Pero ilang oras pa lang syng nakatulog ay bigla na lamang nagising si Jellian sa pagka uhaw, hindi pa sya nakakakain kanina pati pag inom ng tubig ay hindi pa.
Kaya naman dahan dahan syang bumangon at dahan dahang tinungo ang kusina, patay na lahatng ilaw ibig sabihin natutulog na ang mga amo nya.
Buti nalang dala nya ang cellphone nya na may flashlight, kaya naman may magagamit sya.
Akmang bubuksan nya ang ref ng biglang may kumaluskos at may nahulog na vase.
Lagot!
Siguradong magigising ang mga amo nya dahil sa ingay na yun.
"Yahaaaaaira!" Para syang napako sa kinatatayuan dahil sa malakas na boses na umalingawngaw sa buong bahay.
Hindi na sana sya gagalaw sa kinatatayuan nang may kung sino man ang humila sa kanya palabas sa exit door ng bahay.
Hindi nya makita ang mukha nito dahil natatabunan iyon ng bonet, pati suot suot nito kulay itim.
Magnanakaw!
Nanlaki ang mata at pilit na tumigil sa paglalakad.
"Teka sino ka?—" Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ng lalaki ang bibig nya.
"Shh..wag kang maingay." May tinitingnan ito sa kung saan tapos hinila na naman sya.
Pilit nyang inaagaw ang kamay nya dahil parang kuryenteng dala ang pagkakahawak nila ng kung sino man ang lalaking ito.
"Ano ba! Bitawan moko! Magnanakaw ka!" Hindi sya pinakinggan ng lalaki at patuloy lang sa paghila sa kanya.
"Ano ba! Sisigaw ako bag di mo ako binitawan!" Pagbabanta nya dito ngunit hindi natinag ang lalaki, hinila sya nito sa likod ng mga halaman.
Nanlaki ang mga mata nya sa kung ano ang posibleng gawin ng lalaking ito sa kanya akmang sisigaw na sya ng tumigil ito at humarap sa kanya.
Bigla syang natahimik, sa lugar na kinatatayuan nila ay napakatahimik maliban sa mga amo nyang patungo sa direksyon nila habang sinisigaw ang pangalan nya.
Kaba at takot na naman ang namuo sa kanya nang marinig ang mga boses ng nga ito n galit na galit, tila na trauma sya at ito ang pinaka nakakatakot na panaginip nya.
Tiningnan nya ang magnanakaw at nahuli nya itong nakatingin sa kanya, di nya man maaninag ang mata nito alam nyang binabasa nito ang iniisip nya.
Kapagkuwan ay napatingin ito sa likod nya tapos sa kanya na naman, "Sorry for doing this." Pagkasabi nun ay may itinakip itong panyo sa bibig at ilong nya dahilan para mahilo sya at manghina.
Pero bago pa sya mawalan ng malay ay nasalo pa sya ng lalaki at narinig ang baritonong boses nito. "I got ya."
Pagkasabi nun ay tuluyan na syang nilamon ng kadiliman.
NANG MAGISING SI JELLIAN ay napakunot ang nuo nya nang makitang wala sya sa maid's quarter at hindi pamilyar sa kanya ang kwartong kinaroroonan.
The whole room, from furnitures, tiles to chandelliers. All was red and shouts expensive.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
Fiksi UmumSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...