CHAPTER 21
NGAYON AY EXCITED SI JELLIAN habang nasa byahe patungo sa bahay nila Shaneley.
Nandoon daw lahat ng kaibigan eh, siguro ay tumatambay na naman sa bahay nila Shaneley.
Kakatext lang ni Fritzyl sa kanya eh na nasa pilipinas na raw ito at papunta na sa bahay ng kaibigan nila.
Medyo may nararandaman syang masama ngunit ipinagsawalang bahala nalang nya.
Mula nang makabalik sya rito sa pilipinas ay ito ang unang beses na makikita na nya ulit ang mga kaibigan nya.
Ilang araw na rin kasi, nung mga nakaraang araw ay panay ang pasyal nya sa ina at kapatid nya kaya ngayon sa mga kaibigan naman sya nya magbabonding.
"Dito nalang po, Manong." Ani nya sa Manong driver nang matanaw nya ang gate ng village na kinalulugaran nang bahay ni Shaneley.
Nang makababa sya dumiretso sya nang pasok sa gate ng Village. Wala man lang guard na nagbantay kaya dumiretso nalang sya.
Nagtataka sya dahil ang tahimik nang lugar. Nagsimula narin syang kabahan pero agad din iyon napawi nang matanaw na ang bahay nila Shaneley at may maraming tao na naroon.
Tanaw na tanaw na din nya ang mga kaibigan, kaya naglakad sya papunta sa mga ito.
"Guys!" Tawag nya sa mga ito, agad luminga sa kanya si Fritzyl at ngumiti.
"Jellian! Guys, si Jellian!" Turo nito sa kanya na ikinalinga narin ng lahat ng kaibigan nya.
Natigilan sya sa harap nang mga ito at napakunot ng nuo. Namumugto kasi ang mata nang mga ito na parang kagagaling lang sa pag iyak.
"Okay lang kayo?" Tanong nya sa mga ito.
Pilit ngumiti ang mga ito saka tumango.
"Okay lang kami, namiss ka namin, Jellian. Kamusta ka?" Tanong ni Gab sa kanya at niyakap sya.
Kahit medyo naguguluhan ay ngumiti nalang sya. "Okay lang." Simpleng sagot nya.
"Pasensya kana kung di ka namin nabisita, Jellian." Anang Ella. Randam nya ang lungkot sa boses nito na parang may nawala.
"Bakit ba kayo malungkot?" Tanong nya sa mga ito, imbes na sagutin sya ay niyakap nalang sya nang mga ito ng mahigpit.
Nalukot nalang ang mukha nya nang biglang humagulhol ang mga ito pati na rin si Fritzyl.
Ngayon nalang rin nya namalayan na andami nga talagang tao sa bahay nila Shaneley tas ang suot nang mga kaibigan nya puro puti.
Nang umayos na ang mga ito at lumayo na sa kanya. Doon sya nagtanong ulit kung may problema ba ang mga ito.
Akmang sasagutin na sya ni Fritzyl nang may nagsalita bigla.
"Oh andyan na pala kayo, Kayo ba mga kaibigan ni Shaneley?" Tanong nang isang babae na sa tansya nya ay Tyahin ni Shaneley.
"Opo." Sagot ni Ella. "Condolence po, Tita." Saad nito.
"Condolence po." Sabay na saad nung iba.
Natigilan sya at mas lalong naguluhan.
"Ahm sino pong namatay?" Naguguluhan nyang tanong.
May bigla namang sumulpot na babae sa gilid nung isang babae kanina.
"Hindi mo ba alam, hija?" Tanong nito sa kanya.
"Alam po ang alin? Pasensya na po, kakauwi ko palang kasi galing sa ibang bansa, hindi ko po alam ang nangyare, Condolence nalang po, sino po ba ang namatay at saan po si Shaneley—"
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
Ficção GeralSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...