CHAPTER 7
"JOKE LANG, ANG SERYOSO MO NAMAN." Bigla itong ngumisi saka iniabot sa kanya ang plato ng pagkain.
Pinagsasabi ng lalaking to?
Tiningnan nya ito ng masama. Saka sya napa tsked.
Tumaas ang dalawang kilay nito. "Bakit, umasa ka?" Mahina pa itong tumawa.
Sarap batukan nang lalaking to! Grr.
Nag ikot nalang sya nang mga mata. "Bakit naman ako aasa? Di kita type noh." Saad nya at nagtaas nang kilay.
Sinimulan na nyang kumain sa binigay nitong pagkain kanina. Nasa kalagitnaan sya nang pag susubo nang bigla itong tumayo saka sya iniwan.
Napatingin nalang sya sa papalayong likod nito saka napailing iling.
Bipolar ba ang lalaking yon?
She tsked at nagpokus nalang sa pagkain nya.
Nang matapos sya ay agad nyang tinungo ang kusina para hugasan ang pinagkainan. Nang matapos ay nagtambay muna sya sa mahabang sofa habang nakatingin sa overviewing na view ng dagat.
Nasa ganoon syang sitwasyon nang biglang may tumikhim sa likod nya.
Napalingon sya at nakita si Evander na nakatayo sa likod nya.
"Enjoying the view?" Tanong nito.
Napangiti sya at tumango rito. Naramdaman naman nyang tinabihan sya nang binata kaya di na sya nag abala pang lingunin ito.
Nasa ganoon lang sila, tahimik lang at di nagsasalita habang pinapanood ang magandang paglubog ng araw.
"Ang ganda diba." Wala sa sarili nyang sabi, talaga naman kasing namamanghaan sya sa ganda ng paglubog ng araw.
Kasi naaalala nya ang ina nyang mahilig manood ng sunset lalo kapag ganito na may dagat, naalala nya pa noon kapag pinapasyal sya nito sa may baybayin at sabay nilang pinapanood ang paglubog nito.
Flashback...
"Mama, bakit ang ganda ng sunset?" Tanong nya sa ina na nakatitig sa haring araw.
Nakaupo sila sa may baybayin habang dinadama ang preskong hangin at nakikinig lang sa paghampas ng alon.
Tanaw nila ang araw na papalubog na, nagagandahan sya sa mga kulay na lumilitaw sa langit.
"Maganda nga." Manghang sabi ng kanyang ina sa kanya.
Napabuntong hininga sya, alam nya kasing may problema ang kanyang ina, naghiwalay kasi ito at ang ama nyang amerikano. Pinagpalit kasi sila nito sa ibang pamilya nito kahit sila naman ang tunay nitong pamilya.
Kita nya ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ng ina nya. Randam nya ang sakit na pinanghuhugutan nito lalo pa't maliit pa sila nang kapatid nya.
"Alam mo nak..." Napatitig sya sa ina. "Kahit ano pa kaganda ang bagay...mawawala't mawawala rin iyon sayo.." Nagbaba ito nang tingin. "Kasi walang permanente sa mundo..."
Tumingin ang ina nya sa kanya at masuyong hinaplos ang buhok nya at pisngi nya .
"Kaya ikaw, Jellian. Pumili ka nang isang taong alam mong mamahalin ka nang permanente...yung kayang gawin lahat para sayo." Ngumiti ito sa kanya at hinalikan sya sa nuo.
At mula nang araw na iyon ay itinatak nya na sa sarili nya ang sinabi ng ina nya.
End of flashback...
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
General FictionSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...