EPILOGUE

340 5 6
                                    


"EVANDER, HINDI MO AKO PWEDE PAKASALAN." Ani nya sa binata at tinulak ito palayo sa kanya.

Tiningnan sya nito nang matiim. "At bakit naman hindi?" 

Nag iwas sya nang tingin rito.

"Diba magpapakasal kayo ni Hannah? Evander, ayaw ko nang gulo. Natatakot ako sa pwede nilang gawin di lang sakin kundi para sa kapatid at sa pinagbubuntis ko." Saad nya rito.

Natigilan ito saka tiningnan ang tyan nya. "Akala mo ba kaya ko kayo ipahamak? Jellian, ayaw kong mapahamak kayo nang anak natin."

Natigilan sya nang sabihin nito ang salitang 'natin'. 

"Evander, pwede ba-"

"Jellian, bakit ba tinataboy mo ako? Hindi ba pwedeng gusto kong makasama ka? Mapa sakin ka? Pakasalan ka? Ayaw mo ba sa akin?" Tanong nito sa kanya, bakas sa mukha nito ang sakit.

"Hindi mo naiintindihan, Evander-"

"Eh ako ba? Naiintindihan mo? May mali ba sakin? Bakit ayaw mo akong makasama?" Bahagya syang nagulat nang may luhang namumuo sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"E-evander...."

"Jellian, mula nung makilala kita hindi ko na kilala ang sarili ko. You make my world go insane. I don't know but one day, I just realize that I'm inlove with you. I'm in love with your smile, your voice, your body, your scent, all of you, but most of all, I'm inlove with you, Jellian." Yumuko ito dahilan para di nya makita ang mukha nito. "Nung iniwan mo ako parang gumuho ang buo kong mundo. Nung nawala ka nang isang araw para akong mababaliw sa kakahanap sayo. Hindi mo ba naiintindihan yun, Jellian? Me, Evander Cyphrus Malcovishe was crazy inlove with you, why can't you see that?"

Napaawang ang labi nya sa narinig. 

H-he's crazy inlove with me?!

"Pero, Evander...si Hannah.."

"Please hear me out first, Jellian." Nag angat ito nang tingin at tumitig sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hinapit sya palapit rito. Niyakap sya nito nang mahigpit. "I settled things three months ago, the Claundeseich filed a case against me alam mo kung bakit? Because I don't wanna marry Hannah, I didn't agree with their contract."

Naramdaman nya ang pagtibok ng mabilis ng puso nya. Hindi sya makahinga sa bilis at lakas nun.

"Ayokong pakasalan si Hannah because that time, I know already that i'm inlove with you. I settled things first para kapag dumating ang panahon na handa na lahat ay hahanapin naman kita para pakasalan. Ayaw ko nang mawalay sayo, Jellian. I want you all by my self. I want you always by my side. The first time I laid my eyes on you, I was attracted until you asked for my help so that's start of everything between us." Umayos ito at bahagyang lumayo sa kanya. Hinawakan nito ang isa nyang kamay at gamit ang isa pa nitong kamay ay hinaplos nito ang pisngi nyang may luha na.

"Pinili kong tulungan ka nun kahit sinasabi nang isip ko na 'huwag'...Akala ko nun ganon lang pero hindi inexpect na aabot ako sa puntong pati pamilya mo tinulungan ko. Alam ko kasi nun kung gaano kahirap ang pinagdadaanan mo kaya without your knowledge, I pulled some strings para matulungan ang ina at kapatid mo." Napakunot ang nuo nya at bahagyang nagulat.

"S-so...you're.."

"Yes, ako nga ang nagpapadala nang pera, the slash 'donator." Mahina pa itong tumawa. "Nung mga time kasi nun gusto ko lang pasayahin ka, gusto kong tulungang mabawasan ang problema mo, kaya ko yun ginawa. I wanna help you in anyway I can but at the end hindi parin sapat kasi you lost your mom and...I'm sorry-"

"Evander..." Napatigil ito sa pagsasalita nang bigla nya itong yakapin. Doon nya binuhos lahat nang luha nya sa bisig ng binata. 

All the time na magkasama sila nang binata di nya inaasahan yun. 

"Thank you, Evander...Thank you...Thank you so much."

"Hey, shhh..."pagpapatahan nito sa kanya at pinunasan ang mukha nyang basa na nang luha. "Di mo kailangang magpasalamat...you lost your mom..I'm sorry-"

"Pwede ba tumigil ka na sa paghingi nang sorry, batukan kita eh." Saad nya at mahinang tumawa.

Dahil sa pagtawa nya ay ngumiti ang binata. How she missed Evander's smile, hindi na nya napigilan ang sarili nang dumukwang sya palapit rito at hinalikan ito nang buong puso. Randam nya ang pagkagulat nito dahil natigilan ito pero kalaunan ay hinalikan rin sya nito pabalik at hinapit ang beywang nya.

Naghiwalay lang ang mga labi nila nang may biglang tumikhim sa gilid nila. Napangiti sila pareho ni Evander nang magtitigan sila bago bumaling sa mga kaibigan nyang ansama nang tingin sa kanilang dalawa.

"No to kiss muna, di mo pa sinagot ang proposal ni Evander." Protesta ni Ella na sinang ayunan pa nang lahat pati kapatid nya na anlaki nang ngiti sa mga labi.

"Ngi, di naman nagtanong to." Tiningnan nang masam ni Jellian si Evander na nagkamot nang ulo bago lumuhod sa harap nya.

Natigilan sya at napatingin sa binata, may kinuha itong velvet box saka binuksan at nilahad sa kanya, may laman iyong singsing na kumikinang pa dahil sa dyamante nun.

"Jellian Yahaira Daulton, I, Evander Cyphrus Malcovishe, kneeling in one knee in front of you to ask for your yes to marry me. Would you let me be part of your life and eternity? What do you think?" Tanong nito na may ngiti sa labi.

Nag acting pa sya na nag iisip. "Ayoko." Sagot nya dahilan para bumagsak ang balikat nang nakapaligid sa kanya pati ngiti ni Evander nawala rin.

Natawa nalang sya at kinuha ang singsing, isinuot nya iyon sa daliri nya. Lumapit sya sa binata at ginawaran ito nang masuyong halik sa mga labi bago ito sinabihan nang....

"Ayokong mawala ka kaya oo papakasalan kita. I'm crazy in love with you too, Evander." Saad nya sa binata na parang di pa makapaniwala sa sinabi nya. Nagsihiyawan rin ang mga kaibigan nya sa tuwa at pinaulanan pa sila nang mga talulot nang rosas sa tuwa.

Napangiti nalang sya dahil sa saya na rin na nararamdaman nya.

Kapagkuwan ay tumayo ito na sapo sapo ang dibdib. Niyakap sya nito nang mahigpit. "Thank you...Thank you..I love you so much, Jellian. You and our baby."

Napangiti nalang sya pero bahagya nya tinulak si Evander. "Paano mo nasabi na anak mo to?" Tanong nya rito.

"Because I have the feeling that it's mine, tsaka..." Dumukwang ito palapit sa tenga nya. "I'm the one who stole your virginity." Nasiko nalang nya ito dahil sa kalaswaan nito.

Tumawa lang ang hudyo kapagkuwan ay hinalikan sya sa nuo.

"I love you, Jellian. I love you so much."

Ngumiti sya rito at hinalikan rin ito sa mga labi bago sinabi rito ang limang kataga na...

"I love you too, Evander."






HADES.

UNEXPECTED DESIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon