CHAPTER 19

172 3 0
                                    

CHAPTER 19

"OMYGHAD! OMYGHAD, CECILION! Bakit kasi di mo ako pinigilan kagabi?" Tanong nya sa binata na ngayon ay nagdadrive sa kotseng kinalulugaran nila.

Patungo na sila sa bahay ni Evander, kakagising nya lang. Sobrang nahiya talaga sya sa ginawa nya, nilunod nya ang sarili sa alak tapos doon pa sya natulog sa condo ni Cecilion.

Buti nalang ay di nagreklamo si Cecilion dahil sa kagagahan nya. Tsaka totoo nga ang sinabi nito dahil wala nga itong ginawa sa kanya. Pinahiram pa sya nang damit nito nang magising sya.

Yung iba naman nitong kasama ay nagboluntaryo pang ipaghain sya nang pagkain ngunit tinanggihan nya.

Kailangan na kasi nyang umuwi. May bumabagabag kasi sa kanya. Hindi nya rin alam kung bakit atat na atat syang makauwi sa bahay ni Evander.

"Nandito na tayo." Bigla syang napamulagat sa kasalukuyan sa sinabi na iyon ng katabi nya.

Napatingin sya sa labas nang bintana at nakita ang malaking gate ng bahay ni Evander.

"Sige, dito nalang ako." Saad nya kay Cecilion.

"Gusto mo ihatid kita papasok?" Suhestyon nito ngunit tumanggi sya.

"Ako na, kaya ko naman. Saka salamat sa pagtulong sakin ah, pangako ibabalik ko tong damit mo—"

"Wag na, Jellian." Hinawakan nito ang kamay nya saka bahagyang ginulo ang buhok nya. "Masaya akong natulungan kita...wag ka na ring mag abalang isuli yang damit ko." Mahina itong tumawa.

"Bakit naman?"

"Magmamigrate na yung banda namin patungog Russia." Malungkot na saad nito.

"Parang world tour?"

Ngumiti ito saka tumango. "Oo parang ganun na nga. Ganun naman talaga palagi naming ginagawa, Sinusuyod lahat ng bar na mapuntahan naming bansa."

"So hindi ko na kayo makikita?" Malungkot nyang ani.

Kung saan sya nakakilala ng mga taong may mabubuting loob, ganun rin pala ito kadaling mawala.

"Siguro magkikita pa pero di ko alam kung kailan." Tinapik nito ang balikat nya. "Sana sa susunod na makita kita, masaya kana Jellian. Yung tipong kontento kana sa buhay na meron ka."

Tipid syang ngumiti saka niyakap ang binata. Di nya alam ngunit may luhang tumulo galing sa nga mata nya. Masaya syang may nakakaappreciate at pinapahalagahan ang nararamdaman nya.

"Salamat nang marami, Cecilion." Pagpapasalamat nya sa binata.

Inayos nito ang buhok nya saka sya hinalikan sa pisngi na ikinagulat nya.

"Basta ikaw." Kinindatan sya nito saka tumawa dahil siguro sa ekspresyon nya. "Sige na, pumasok ka na baka may naghihintay na sayo sa loob."

Tumango nalang sya at nagpaalam na sila sa isa't isa ni Cecilion.

Tinanaw nya pa ang papalayo nitong kotse bago sya pumasok nang gate.

Agad syang pumasok sa pinto ng bahay ni Evander. Nagdahan dahan pa sya nang lakad pero agad syang napahinto nang marinig nya ang baritonong boses ni Evander.

"Saan ka galing?" Napatingin sya sa gawi nito at nakita itong nakaupo sa isang pang isahang sofa.

Namumungay ang mga mata na halatang puyat at lago rin sa alak at tama nga ang hinala nya dahil may mga bote ng alak sa mesa na nasa gilid ng kinauupuan nitong sofa.

Magulo rin ang suot nitong polo saka ang buhok nito ay wala sa ayos.

Lumapit sya rito. "Evander, naglasing ka ba buong magdamag?" Tanong nya sa binata.

UNEXPECTED DESIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon