CHAPTER 23
"ATE, HINDI MO KASALANAN ANG PAGKAMATAY NI MAMA." Anang kapatid nya na pinapatahan sya sa pag iyak.
Ilang araw na rin syang ganito at tuliro lang kung minsan. Sinisisi nya ang sarili sa pagkawala nang ina.
Hindi nya ito masyadong nabigyan nang oras o sa mga pangangailangan nitong gamot. Wala syang nagawa. Binuhos nya kasi lahat nang paghihirap nya para sa mga amo nyang inabuso lang sya.
"Kasalanan ko, Jelly. Hindi ako naging responsable. Di ko kayo na tustusan lalo na sa gamotan ni Mama." Saad nya habang patuloy pa rin sa pag iyak.
"Tama na yan, Jellian. Wag mong sisihin ang sarili mo." Singit ni Ella.
Lumapit ang mga kaibigan nya sa kanya. Nasa isang sementeryo kasi sila, kakatapos lang nang libing nang ina nya, kanina pa sya umiiyak at ilang araw na rin syang lunod sa lungkot.
Halos lahat nang kaibigan nya pati kapatid nya ay pilit syang inaalo.
"Hindi talaga natin masasabi kung kailan tayo kukunin nang, Diyos, Jellian. Tumahan ka na, makakasama yan sa baby mo." Si Gab iyon.
"Halika, ang init dito baka mapaano ka pa." Hila hila sya ni Fritzyl sa braso.
Oo, buntis sya dahil delayed ang period at nahimatay sya sa hospital nung araw na nawalan na nang buhay ang ina nya. Sabi nang doctor ay tatlong linggo na syang buntis. Alam na nang mga kaibigan nya iyon pero di nya sinabi sino ang ama nang dinadala nya.
Sumilong sila sa isang malaking puno at doon nagpatuloy ang pag aalo nang nga kaibigan nya sa kanya.
"Pero kung sana naibigay ko lang lahat ng pangangailangan nila, di sana magiging ganito." Saad nya.
"Pero ate, di ka naman nagkulang. Alam naman namin ni Mama na may sarili ka ring problema na iniinda kahit di mo sabihin." Rinig nyang saad nang kapatid nya.
Napatingin silang lahat rito.
"Ate, kahit di mo kami nabigyan natustusan naman lahat ng gamutan ni Mama pati rin pag aaral ko. Dahil sa kung sino mang palaging nagdodonate nang pera sa atin. Sobra sobra pa nga binibigay nyang pera. Tinulungan nya tayo ate, kaya nga di nako humihingi sayo nang tulong eh. Alam kong nahihirapan ka pero di mo kasalanan yun, Ate. Sinabi na nang doctor na kahit anong gamutan pa ang kailangan, may taning na talaga ang buhay ni Mama." Eksplena nang kapatid nya sa kanya.
"Sino yang nag donate na yan?" Tanong nya rito.
"Yun rin ang hindi ko alam, Ate. Basta may nagtetext lang na unknown number sa cellphone ko na nagpadala raw sya nang pera. Pero hindi naman nya sinabi ang pangalan nya." Anang Kapatid nya at nag kibit balikat.
"Patingin nga nang message." Agad ibinigay nabg kapatid nya ang cellphone nito.
Agad nyang binuksan ang messages at doon nya nakita ang mga mensahe nang isang unknown number.
Hindi nya masabing scam o na wrong send lang ang numero kasi alam nito ang pangalan nya.
Halos sa lahat ng mensahe wala ang pangalan nang kung sino man ang sender nito.
"Akala ko nga, Ate ikaw ang nagpadala eh. Nung una kasi pangalan mo ang nakalagay sa receipt na natanggap ko nung unang padala." Napakunot ang nuo nya sa sinabi nang kapatid.
Impossible yun.
Wala nga syang kapera pera eh pano sya makakapag padala? Ang naaalala nya fifty thousand pa yun. Paano sya makakapag padala nang ganung halaga?
"Sino kaya yan?" Rinig nyang tanong ni Ella.
"Ang swerte naman, oh Jellian. Di mo kasalanan okay? Di ka nagkulang." Ngumiti si Fritzyl sa kanya at niyakap sya.
Palaisipan para sa kanya ang kung sino man iyon. Pero malaki ang utang na loob nya sa taong yun.
Tipid syang napangiti.
Sana balang araw makilala ko ang taong yun.
AFTER A MONTH...
"ATEEE! ATEEE!" Sigaw nang kapatid nya na nagpagising sa umaga nya.
"Ano ba yan?" Tamad syang bumangon at nagkusot pa nang matang lumabas nang kwarto nya.
Nakita nya ang kapatid na may kausap na kung sino man sa labas kaya agad nyang pinuntahan iyon.
"Bakit?" Bungad tanong nya kay Jelly.
Tumingin ito sa kanya. "Nagpadeliver ka ba ate?" Tanong nito.
"Hindi bakit?" Kumunot ang nuo nya sa tinuran nang kapatid.
"Eh bakit sabi nang delivery man may package daw para sayo?" Mas lalong kumunot ang nuo nya at tiningnan ang Delivery man na halatang naguguluhan rin sa kanilang dalawa nang kapatid nya.
"Kuya, baka ibang Jellian ang tinutukoy nyo." Saad nya.
Tiningnan nang lalaki ang isang papel na bitbit nito. "Jellian Yahaira Daulton. Yun po ang nakalagay."
Gulat nyang tiningnan ang Delivery man. Wala namang ibang Jellian Yahaira Daulton dito.
Nagkibit balikat nalang sya at kinuha ang box sa Delivery Man. May pinirmahan syang papel bago ito umalis.
Nang makaalis ay agad silang pumasok ni Jelly sa sala at tiningnan ang kabuuan nang Box.
Wala namang papel o kahit ano na nakasabit.
"Baka may admirer ka ate." Rinig nyang sabi pa nang kapatid nya.
Pinaningkitan nya ito nang mga mata. "Paano ako magkakaadmirer ha?"
"Eh ate, ang ganda mo kaya. Impossibleng walang makakapansin sayo." Protesta nang kapatid nya.
"Pero wala naman akong kilalang lalaki na makakapansin sakin noh."
Jelly looked at her flatly. "Kaya nga tinawag na admirer eh."
Sinimangutan nalang nya ang kapatid. Saka naisipang buksan ang box.
Bumungad sa kanya ang isang pumpong nang rosas. Bumungad rin sa kanya ang bango nang mga iyon.
"Wow, ate! Mukhang may admirer ka nga." Tudyo nang kapatid nya sa kanya.
Mahina nya itong tinampal. "Tumahimik ka nga." Napatawa nalang ang kapatid.
Hinimas nya ang tyan nyang medyo nahahalata na ang umbok habang inaamoy ang nga bulaklak.
"Ate, gusto mo avocado shake?" Tanong nang kapatid nya, tumango sya. Agad tumayo ang kapatid nya at tinungo ng kusina. Yun kasi ang palagi nyang iniinom ngayon na nagbubuntis sya. Di nya alam kung naglilihi lang ba sya o ano.
Normal lang naman kasi ang nararamdaman nya pero kung minsan gusto nyang kumain nang kumain.
Habang inaamoy pa rin ang mg bulaklak ay may nakita syang papel na naiwan sa box.
Kinuha nya iyon at nakita ang isang sulat kamay. Para sa kanya naman yun kaya binasa nalang nya.
Hi,
How are you? I hope you're fine. I heard what happened to your, Mom. I'm very sorry for that but I hope you're fine. It's been a month and uhm..please take care of yourself. We'll gonna meet soon i'll assure you that.
- M.
Sa nababasa nya sa letter mukhang kilala sya nang taong to.
We'll gonna meet soon.
Yun ang tumatak sa isip nya sa letter na nabasa.
Napabuntong hininga nalang sya at napatingin sya tyan nya.
Evander.
HADES.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
Ficción GeneralSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...