Slight Mature Content Below.
CHAPTER 12
MAHIGIT APAT NA ARAW NARIN silang nanatili rito sa isla, medyo di naman sya naboboringan dahil nakakatuwa naman pala kasama itong si Evander, kahit minsan mahalay ang bibig nito.
Medyo okay na rin ang pagkababae nya di na masyadong masakit.
Ngayon ay nanonood sila ng movie ni Evander. Ewan ba nya pero feel nya manood eh.
"Ano papanoorin natin?" Luminga ito sa kanya, may hawak itong remote control nang flat screen na tv.
"Hmmm." Nag isip isip sya. "Boy next door." Saad nya, alam nyang medyo mahalay ang movie na iyon pero yun naman ang gusto nya kaya pinagbigyan nalang nya ang sarili.
Tumango si Evander saka sinearch sa tv ang sinabi nyang movie. Nang makita nito ay agad nitong pinlay iyon.
Pagkatapos ay pumunta muna ito sa kusina, pagkabalik ay may dala na itong pop corn tsaka coke.
Inilagay nito sa lamesa na nasa harapan nila at tumabi nang upo sa kanya, nagsimula narin ang movie kaya nagpukos sya sa panonood.
Ganun din ang katabi nya na tahimik lang.
Ilang minuto pa ang nagdaan panay kuha lang sya sa pop corn na kinakain nya. Nang magsalita si Evander.
"Jellian.."
"Hmmm." She didn't give him a look, she just hummed.
"Ahm...after you'll be completely free, what are you going to do? Uuwi ka ba sa pilipinas?" Rinig nyang tanong nito.
Huminto sya sa pagkain at nilingon ang katabi. "Hindi ko alam."
Kumunot ang nuo nito. "Bakit hindi mo alam?"
"Kasi..." Napakamot ulo sya. "Gusto ko mag ipon ng pera para kung uuwi ako, may maiibigay ako sa pamilya ko." Sagot nya rito at tinuon na naman ang atensyon sa pinanonood.
"I can help you, bibigyan kita ng pera." Intrada nito.
Tiningnan nya ito na parang may nakakatawa. "Ano naman ang magiging kapalit, Mr. Malcovishe? Gagawin mo akong fuck buddy mo?" Mala sarkastiko nyang ani.
Tumahimik ito at nagbaba ng tingin. Sya naman ay mapait na ngumiti.
Ano pa bang aasahan nya? Wala nang libre sa panahon ngayon. Lahat may kapalit.
Akmang babalingan na nya ng atensyon ang pelikula nang...
"I can help you, i'm willing to pay big. Not as my fuck buddy or whatever but as my helper, you know...housemaid." Nagkamot ito ng ulo. "Babayaran kita ng malaki, just stay for the meantime, Jellian."
Sinuri nya ang mukha nito pilit binabasa ang kung ano ang nasa isip nito. Napaka seryoso nito habang sinasabi ang mga iyon, nakatitig rin ito sa kanya.
"Pag iisipan ko." Di sya nag expect na yun ang sasabihin ni Evander sa kanya.
Kasi sa pagtulong palang nito na tuluyan syang maging malaya sa mga dating amo ay malaking tulong na para sa kanya.
Pero may kapalit rin naman ang pagtulong nito diba?
Magiging kasambahay sya nito.
"Maghihintay ako sa desisyon mo." Saad nito saka binaling ang atensyon sa pinapanood.
Sya naman ay di na nagsalita pa binaling na rin ang atensyon sa panonood.
Kumain nalang sya nang pop corn habang nanonood.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
Fiksi UmumSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...