CHAPTER 20
NANG MAKAALIS SI EVANDER at naiwan syang mag isa ay ilang minuto lang ang nakalipas nun ay nakarandam sya nang pagkahilo at pagsusuka kaya agad syang tumakbo patungo sa banyo at doon nagsususuka.
Pagkatapos nun ay bumalik sya sa kama at umupo roon, naguguluhan at napapaisip sya dahil sa namamalayan nya.
Nagsusuka sya ngunit wala naman syang sinusuka.
Ipinilig nya nalang ang ulo sa pag iisip at nag abala nalang sa pag impake nang iba pa nyang gamit na hindi pa naimpake.
After three years...babalik na ako.
HE KNOWS THAT LETTING GO OF Jellian will be the death him. Hindi nya alam pero yun ang nararamdaman nyang mangyayare.
Nasanay na sya sa presensya nito at di nabubuo ang araw nya kapag wala ito. Is that possible?
Kagabi pa sya walang tulog, kahit inaantok na sya ay pinipilit nya paring imulat ang mga mata. Andami nyang iniisip. Sumasakit lang ang ulo nya.
Nagkausap lang sila ni Philip kahapon at may nalaman sya, dumagdag pa ang mga Claundeseich at ang kompanya nya na nagkaproblema. Tapos may mga kaso pang bagong labas at sya agad ang tinatakbuhan.
Pero mas malala itong problema na biglang sumulpot sa harapan nya.
"Honey, why is so hot?" Maarteng saad nito habang pinapaypayan ang sarili.
Sa suot nitong skinny sando at maikling short plus naka aircon pa ang kwarto, naiinitan pa rin ito?
Mukhang alam na nya ang ginagawa nito. Napairap nalang sya sa hangin at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama nya. Hinawakan nya ang braso ng dalaga at akmang hihilahin ito nang biglang ipinulupot nito ang braso sa leeg nya saka sya sinugod nang halik.
Itinulak nya ang dalaga at malakas itong hinila sa braso patungo sa labas ng pintuan ng kwarto nya.
Ngunit napatigil nalang sya nang makita ang kung sino ang nasa labas.
"J-jellian..."
Nakita ba nito yon?!
"Yahaira!" Ani ni Hannah na nasa gilid nya saka pumulupot nang kapit sa braso nya na pilit nyang inaagaw ngunit mas lalo lang itong kumapit doon.
Nakita nya ang malungkot na pagngiti ni Jellian sa kanya.
"I'll go now." Saad nito at akmang tatalikod na.
"Ihahatid kita." Nilingon sya nito at bahagyang umiling pero desidedo sya.
"No, ihahatid kita." May diin nyang sabi. Naramdaman nyang humigpit ang pagkapit ni Hannah sa braso nya.
Pero nagkaroon sya nang lakas para itulak ito at agawin ang braso nya.
Nilapitan nya si Jellian at inagaw ang bagahe na dala nito.
Gusto nya na bago ito umalis ay makikita nya ito at makakasama kahit masakit panoorin na umalis ito.
Kahit na masakit sa loob nya ay pinili nya paring ngumiti kay Jellian. "Tara na." Aya nya dito.
"Evander—"
"Evander!"
Nilingon nya ang sigaw na iyon ni Hannah. "Can you just shut your mouth off? Naiinis na ako sayo." Masuyo nyang tiningnan ang katabi na si Jellian. "Let's go!" Hinila nya ito pababa nang hagdan saka hinila na naman ito palabas nang pinto at patungo sa nakaparada nyang sasakyan.
Habang nasa byahe ay tahimik lang silang dalawa, pumagitna sa kanila ang kanta mula sa radyo na In assenza de ti na ang ibig sabihin ay 'It's not Goodbye' sa pagkakaalam nya ay ang nagkanta nun ay si Laura Paussini.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
Ficción GeneralSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...