CHAPTER 25
ALREADY A MONTH BEING NOT WITH HER. Daig nya pa ang nagparehab. Halos di sya makatulog sa gabi dahil sa pagkamiss nya sa dalaga.
Halos ito nalang palagi ang nasa isip nya pero ano bang magagaw nya? Ang magagawa nya nalang ngayon ay ipagpatuloy ang laban nya.
Three weeks ago, he refused to marry Hannah. Sinabi nya rito ang dahilan kung bakit ayaw nya itong pakasalan.
And now, look what he receives, The Claundeseich just filed a case about him. Inakusahan pa sya nang mga ito na at kung ano ano pang sinabi sa korte.
Bilang mabigat na kalaban ang Claundeseich kailangan nya talagang gumamit nang dahas dahil ganito rin ang ginawa sa kaniya nang mga ito.
Pagkatapos nang laban nyang ito, aayusin nya ang buhay nya pagkatapos ay ipapangako nya sa sariling hahanapin nya si Jellian.
Just wait for me, Jellian.
MATAPOS NYANG IPAGTABUYAN SI EVANDER nung isang araw ay nakakaramdam man sya nang pagkakonsensya ay ipinag sa walang bahala nya.
Hindi sya nag expect na makikita nya ito pagkatapos nang tatlong buwan o higit pa. Hindi nya alam kung bakit narito ang binata pero ayaw na nyang alamin. Pagkatapos nang mga nangyare ay pilit na nyang kinalimutan ang binata.
"Ate, sino ba yung lalaking yon kahapon? Kilala ka nya ate, naghintay pa naman sya sayo kahapon kahit antagal mong dumating tapos ipinagtabuyan mo lang." Rinig nyang saad nang kapatid nya habang inaayos ang bag nitong dadalhin sa school.
Kahit ang mga kaibigan nya ay pareho rin ang sinabi sa kanya. Naguguluhan at nagtataka rin ang mga ito sa kinikilos nya.
Kahit gusto nyang sabihin sa mga ito ang totoo ngunit pinipigilan nya ang sarili.
"Pumasok ka na, baka malate ka pa sa school." Saad nya sa kapatid at nilapitan ito.
Binitbit nito ang bag na inaayos nito kanina saka tumingin sa kanya.
"Alam mo, Ate wala namang masama kung sasabihin mo yung totoo. Tsaka, Ate hayaan mo rin malaman nang iba ang nararamdaman mo." Saad nang kapatid nya saka hinalikan sya sa pisngi bago ito magpaalam para umalis.
Kaya sya naman mag isa na sya ngayon.
Kagaya nang palagi nyang ginagawa, inabala nalang nya ang sarili sa paglilinis nang buong bahay. Di naman nya medyo pinagod ang sarili, nagpahinga rin sya pagkatapos ay nagpatuloy ulit.
Natigilan lang sya nang may kumakatok sa pinto. Kaya naman ay pinuntahan nya ito at binuksan, bumungad sa kanya ang di nya inaasahang bisita.
"Evander." Saad nya sa pangalan nito.
"Jellian—wait! Jellian. Please don't shut me off, let's talk!" Ani nito habang pinipigilan nito ang pagsarado nya sa pinto.
"Ano ba, Evander. Umalis ka na, Ayaw kita makausap. Please umalis ka na." Pakiusap nya sa binata.
Dinadagdagan lang nito pagkastress nya. Sumasakit ang ulo nya sa kakulitan nito.
"Evander, ano ba." Pigil nya sa binata dahil di pa rin nito pinpigilan ang pag pigil sa pinto.
"Jellian, Please...let's talk."
"Evander, wala na tayong dapat pag usapan. You shouldn't be here, ano nalang sasabihin sayo ni Hannah."
"Jellian, please hear me out. Pakinggan mo muna ang sasabihin ko."
"Ayoko, kaya umalis ka na." Sige na, Evander. Umalis ka na." Pagtataboy nya sa binata.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
Ficción GeneralSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...