CHAPTER 17
MATAPOS SYANG KULITIN nang lalaking nagngangalang Cecilion Feregus ay dinala sya nito sa isang lugar na first time palang nyang mapuntahan.
Sa isang club sya dinala nitong Cecilion na ito na ang pangalan ng club ay Red Fantasy Club.
"Come on, Jellian. Don't worry ako bahala sayo dito." Saad nito saka sya hinila papasok ng club.
Bago sila tuluyang makapasok ay inenspekyon muna nang dalawang bantay sila.
Pagkatapos nun ay ang ID daw, may pinakita namang ID itong si Cecilion saka nakipag usap sa dalawang bantay sa ibang lenggwahe na di nya maintindihan pero sa tansya nya ay sya ang pinag uusapan ng mga ito.
Pagkatapos nun ay tuluyan na nga silang pumasok ng Club, agad bumungad sa kanila ang malakas na music at naghihiyawan na mga tao.
"Mag eenjoy ka dito. Ako bahala sayo." Nilapit nito ang bibig sa tenga nya para marinig nya ang sinasabi nito.
Hinila ulit sya nito sa kung saan. Hanggang sa may pinasukan silang isang kwarto.
"T-teka..." Pigil nya.
Tumingin ito sa kanya saka ngumisi. "Jellian, i'm not doing anything that can harm you, okay. Kaya halika." Hinila sya nito papasok ng kwartong yun at bumungad sa kanya ang apat na naggwagwapuhang mga kalalakihan.
Napaurong ang dila nya dahil sa mga ito.
"Who's with you?" Tanong nung isa na napaka seryoso ang mukhang nakatingin sa kanilang dalawa ni Cecilion.
Ngayon lang rin nya napansin na may kulay ang mga buhok ng mga ito, maliban doon sa nagtanong pero may highlight na green konti ang buhok nito.
"I saw her on the street, She's Jellian. I want to help her." Eksplena ni Cecilion sa mga ito.
"Is your kindness kicking you again, Cecilion?" Tanong nung isa na medyo mahaba ang buhok may mapaglarong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya.
"I never say no when it comes to helping others, Lancelott." May diing saad ng katabi nya. "Why don't ya'll introduce yourselves nalang?"
Agad tumayo yung isa yung may highlight sa buhok.
"I'm Khufra, Nice meeting you." Inilahad nito ang palad sa kanya na kaagad naman nyang tinanggap.
Sumunod dito ang isa na may headset ang tenga. Inilahad nito ang kamay sa kanya.
"Alucard." Simpleng pakilala nito habang kinakamayan nya.
"Hi, I'm Lancelott." Kagaya nung nauna ganun din ang ginawa nitong nasa harap nya.
"Hanzou Collins." Ganun din ang sumunod kay Lancelott, panghuli yung isa na may bored na emosyon sa mukha.
"Gusion." Saad nito saka umupo ulit.
Ngayon nya lang rin napansin na lahat ng mga ito ay may iba ibang kulay nang mata.
Yung kay Lancelott ay kulay yellowish. Si Khufra naman ay dark brown. Si Alucard, forest green. Si Hanzou naman ay violet. Habang kay Cecilion ay parehas sila nang kulay nang isang taong naaalala na naman nya.
Si Evander.
Ang gagwapo nang nasa harap nya ngunit di naman sya interesado, isa lang kasi ang nasa isip nya. Si Evander lang, hindi na nya talaga alam kung ano itong nararamdaman nya para sa binata.
Pero sa ngayon di nya muna iisipin iyon, gusto nyang mawala itong problema nya.
"I want to ease my pain. I want to forget my problems, just for tonight." Wala sa sarili nyang saad.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
General FictionSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...