CHAPTER 26

215 3 0
                                    

CHAPTER 26

"HOY JELLIAN, PATAWARIN MO NA YAN OH. KAWAWA NAMAN." anang Ella habang nakatingin kay Evander na nagbubungkala nang mga lupa para tamnan nito nang rosas.

Inutusan nya kasi ito na gawin yon. Yun ang hiniling nyang kapalit para mapatawad nya ito. Kaya ayan nag eeffort ang binata ilang araw na rin ang nakalipas at todo effort ng binata sa pagsuyo sa kanya, kaya hanggang ngayon di pa rin sila nagkakausap nang maayos.

Panay narin ang kulit nang kapatid nyang patawarin na daw ito para di na maghirap ngunit sadya ngang matigas ang puso nya.

Nag eenjoy rin naman syang makita itong nagpapagod para sa kanya. Nag eenjoy rin sya sa view na binibigay nito. Nakatopless kasi ito at bungad na bungad ang abs nitong pawisan.

Hmmmm....

"Hoy, gaga! Di ka nakikinig eh." Pinitik ni Fritzyl ang daliri dahilan para mapabalik sya sa kasalukuyan.

"Oh bakit ba, may iniisip lang eh." Sumimangot sya.

"Anong iniisip ka dyan, kanina pa tulala habang nakatingin sa abs ni Mr. Attorney." Singit ni Gab.

"Oy, Jellian, kung ayaw mo kay Mr. Attorney, akin nalang." Maharot na saad ni Rylen at humagikhik pa.

Biglang sumama ang pagmumukha nya. "Heh! Manigas ka. May nagmamay ari na dyan." Saad nya at doon sya may naalala na ikinatigil nya.

"Sino ikaw?" Tanong ni Ivy.

Umiling sya. "Hindi."

"Huh? Eh? Bakit sya nandito? Teka paano mo sya nakilala?" Lahat napatingin sa kanya halatang curious ang mga ito.

Doon naman nya naalala ang sinabi sa kanya nang kapatid nya na di masamang sabihin nya sa ibang tao ang nararamdaman nya.

Siguro panahon na upang malaman nila.

May tiwala sya sa mga kaibigan nya kaya naman ay ikinwento nya sa mga ito ang lahat nang nangyare sa kanya.

Habang nagkikwento sya panay naman ang iyak ni Ella, naiintindihan nya ito kasi alam nya rin ang pinagdadaanan nito sa buhay kaya nga napaka sensitive nitong tao eh.

"Bakit di ka man lang humingi samin nang tulong?" Tanong ni Jezyl.

"Jellian, alam mo naman a one call away lang ako, diba?" Segunda ni Fritzyl.

"Di namin alam na ganyan pala ang nangyare sayo, buti tinulungan ka ni Mr. Attorney." Saad ni Gab.

"Naku, okay lang. Nakayanan ko naman eh salamat sa Diyos. Ang importante nandito ako diba, buhay na buhay." Nakangiti nyang sabi.

"Alam ba to nang kapatid mo?" Tanong ni Ivy.

"Hindi, mas pinili kong itago muna ayaw ko syang mag alala. Kagaya nga nang sinabi ko ang importante, buhay ako."

"Buti nalang. Eh anyways, mukha namang walang problema sa inyo ni Mr. Attorney ah. Bakit ka ganiyan?" Si Ella iyon.

Nagbaba sya nang tingin. "A-ayaw ko kasing mainvolve pa sa kanya. Alam ko naman kasi na...gusto ko lang na idistansya ang sarili ko, hindi naman kami bagay."

"Sya ba ang ama nyan?" Si Ivy iyon. Napaka seryoso nang mukha nito habang nakatingin sa kanya, ganoon rin ang ina pa nyang mga kaibigan.

Umiling sya. "Wag na natin tong pag usapan." Depensa nya.

Hindi nalang kumibo ang mga kaibigan nya at hinayaan nalang nya.

Tinitigan nya si Evander. May namumuo ring kuryusidad sa isip nya pero hahayaan nya bang masagot iyon ni Evander?


UNEXPECTED DESIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon