PROLOGUE

502 6 0
                                    

INTRO

"MA KAILANGAN KONG kumayod para sa pamilya natin, kung hindi ako magtatrabaho paano na tayo? Kayo ng kapatid ko?" Pagpapaunawa nya sa ina nyang kanina pa humahagulhol.

Kung pwede lang sya hindi magtrabaho ay hindi na nya gagawin kaso naiisip nya ang ina nya at ang kapatid na si Jelly na nag aaral pa sa junior.

Dalawa lang silang anak, sya ang pinakamatanda kaya dapat responsibilidad nya ang pamilya nya. Simula nung iniwan sila ng ama nya ay nawala na lahat sa kanila, nalugmok sila sa kahirapan kaya ngayon heto sya, mag aabroad.

Sana lang ang pag aabroad nyang ito ang magpapagaan nila sa kahirapan.

"Ate, mag ingat ka po dun ha?" Anang kapatid nya na yumakap pa sa kanya. Ginulo nya lang ang buhok nito.

Sa huling pagkakataon, niyakap nya ng mahigpit ang ina nyang umiiyak.

"Wag na po kayong umiyak, ma. Kakayanin ko po kaya, kayanin nyo rin po." Hinalikan nya ang nuo ng ina at kapatid nya saka nya hinila ang mga maleta nyang dala saka tinungo ang taxi na nakaparada.

Nang maipasok na ng manong driver ang mga maleta nya ay binuksan nya agad ang backseat, nilingon nya muna ang ina at kapatid nya na umiiyak, kumaway sya sa mga ito at malungkot na ngumiti bago sumakay sa taxi.

Sapo sapo nya ang mukha habang umiiyak. Napakasakit talaga sa kanya na iwan ang pamilya nya pero ano naman ang magagawa nya? Para naman sa kanila ang ginagawa nya, gusto nyang bigyan nang magandang buhay ang kapatid nya.

Kung dito sya sa pilipinas mag tatrabaho baka mas lalo lang silang mahirapan dahil sa konti na nga ang sahod mahirap pang makakita ng trabaho lalo na na hindi sya nakapag tapos ng pag aaral dahil hanggang high school lang ang naabot nya.

Sa buong byahe ay umiyak lang sya, nag iisip at lihim na nangangarap na sana itong pag tatrabaho nya abroad ang maging susi para umahon sila.

Sana nga.

HADES.

UNEXPECTED DESIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon