CHAPTER 13
KASALUKUYANG NAKIKIPAG USAP SYA SA MGA KAIBIGAN through chat sa gc nila nang may biglang kumatok ng sunod sunod sa pinto ng kwarto nya.
Napasimangot sya, kanina ay panay ang tawa nya sa kakulitan ng mga kaibigan nya sa gc tapos ngayon ay naiinis syang tumayo at tinungo ang pinto.
Nabulabog sya nang kung sinong asungot sa labas.
Binuksan nya ang pinto ng kwarto at bumungad sa kanya ang napakagwapong mukha ni Evander na may bahid ng ngiti sa labi.
Bat ang saya yata ng lalaking to?
"Gusto mo maligo?" Tanong nito na ikinakunot ng nuo nya.
"Tapos na akong maligo." Walang emosyon nyang sagot.
"I mean, maligo sa dagat sa labas." Napatanga sya at napatingin sa over viewing glass ng kwarto, umuulan nga sa labas.
"Seriously? Umuulan tapos maliligo ka sa daga?" She looked at Evander flatly.
Tiningnan sya nito na parang may nakakatawa.
"Sino bang may sabing di pwede maligo ng dagat kahit may ulan?"
Nag ikot sya nang mata. "No—"
Di na nya natapos ang pagsasalita dahil hinila na sya ni Evander pababa ng hagdan.
"A-ano ba Evander, bitiwan moko, ayoko nga maligo, tapos na ako maligo." Pigil nya sa binata ngunit di man lang sya pinakinggan, mas hinila pa sya nito patungo sa labas.
Mas lalo pa syang nagpapigil nang malapit na silang makalabas. Dun lang rin tumigil ang binata sa paghila sa kanya, saka sya binalingan ng tingin at nginisihan.
Paatras itong naglakad patungo sa ulan. At nang maulanan na ito, kita nya ang saya sa pagmumukha nito habang dinama ang ulan sa katawan nito.
Basa narin ang tshirt at short na suot nito. Natutuwa syang makita itong masaya, para itong bata na ngayon palang nakaligo sa ulan. Napangiti sya.
Ang swerte nang makakatuluyan ng lalaking to. Saad ng isang bahagi ng kanyang isip.
Di nya namalayan na kanina pa pala sya nakatitig kay Evander nang bigla itong tumingin sa kanya at kinaway kaway pa ang kamay sa ere.
"Jellian! Come on! You should try this! You'll enjoy! Come on." Aya nito saka tumakbo patungo sa may dagat at doon nagtagpisaw.
Mula noong high school sya di na nya naranasan ang mag enjoy, dahil sa murang edad palang kailangan na nyang kumayod. Bago sya naging isang ofw, naging isang working student muna sya para matustusan ang bayarin sa matrikula nya. Wala ring mapasukang trabaho ang ina nya nun at nag aaral rin ang kapatid nya.
Kaya noon kapag tapos na ang klase dumidiretso sya sa pinapasukan nyang raket na trabaho. Pagod syang uuwi, pagod rin syang gigising ng maaga para pumasok.
Saksi sa lahat ng paghihirap nya ang pamilya nya lalong lalo na ang isa sa mga kaibigan nyang si Ella Cortez na isa ring working student kagaya nya.
Bukod kay Fritzyl ay alam rin nito ang pagiging working student nya noon.
Kaya mula noon, wala na syang oras para sa sarili nya, para mag enjoy atmag relax. Ito, itong ginagawa nya ngayon. Nasa isang private beach at beach house kasama ang isang sikat na Abogado at negosyante, ay napaka imposible para sa kanya.
Napatingin sya sa binata na nag eenjoy sa paglangoy sa dagat. Kasama palang nya ito ay parang napaka imposible para sa kanya. Ngayon lang rin ulit na experience ang ganitong buhay mula noong iniwan sila nang ama nya.
Napatanong tuloy sya sa sarili kung deserve nya bang mag enjoy ngayon.
Nagbaba sya nang tingin. Minsan lang mangyare ito sa buhay nya.
Paano kung wala nang susunod rito?
Paano kung di na ito mangyare?
Paano kung huli na pala to?
Wala na syang pakialam, tumakbo sya patungo sa may ulan at hinayaan ang sariling damhin ang malamig na tubig na rumagasa sa katawan nya. Hinaayan nyang mabasa ang sarili, idinipa nya pa ang mga kamay habang nakapikit.
Tama nga si Evander, masarap nga sa pakiramdam ang ulan.
"Hey, Jellian! Come here!" Rinig nyang tawag ng binata sa kanya kaya nagmulat sya at tumingin rito.
Ang kalahati ng katawan nito ay nakababad sa dagat, at wala narin itong suot na pang itaas, kumakaway pa ito sa kanya na may malaking ngiti sa mga labi.
Ngumiti rin sya at kumaway rito. "I'm coming!" Sigaw nya pabalik at tumakbo patungo sa kinaroroonan nito.
Nagtampisaw sya sa dagat, at lumangoy rin katulad ng ginawa ng binata.
Tama nga, ang sarap sa pakiramdam maligo sa dagat na umuulan.
Inilubog nya ang sarili sa ilalim habang nakapikit.
Di sya huminga nang ilang minuto at hinayaan ang sariling maalala ang mga pagsasakripisyo at pagdurusa nya na matagal na nyang iniinda at pilit na kinakaya.
Mula noon nung iniwan sila nang ama, hanggang sa marating nya ang bansa na ito at ang mas nagpadusa pa sa kanya nang magtrabaho sya sa poder ng mga Claundeseich.
Habang iniisip ang mga iyon, ay umiiyak na pala sya sa ilalim nang tubig.
Paano kaya kung hindi kami iniwan ng ama ko?
Paano kaya kung hindi nangyare ang mga ito?
Magdurusa pa rin ba sya? Maghihirap pa rin ba ang pamilya nya?
Gusto na nyang matapos ang lahat, gusto na nyang maging okay sya.
Ayaw na nyang maghirap, ayaw na nyang magdusa, ayaw na nyang maulit pa ang nakaraan, ayaw nyang maging katulad sya nang ina.
Lord, bigyan mo po ako ng sign na magiging maayos ang buhay ko sa future. Na hindi ako magiging tulad ng ina ko. Please hear me out, Lord. Lihim nyang dalangin sa isip nya.
Napatigil nalang sya sa pag iisip nang may maramdamang malambot na bagay na dumampi sa kanyang labi. Napamulat sya sa ilalim nang tubig at napatitig sa mukha ni Evander.
May ngiti ito sa labi habang nakatingin sa kanya, saka sya hinalikan sa nuo at umahon na sa tubig.
Habang sya naman ay naiwan na nakatulala.
Wait, ano yun? Sign ba yun? Heck.
Nang marealize nya ang nangyare ay dali dali syang umahon sa tubig at hinilamos ang mukha gamit ang kamay saka tiningnan ang bultong nasa harapan nya.
"Bakit mo ako hinalikan?" Tanong nya rito.
Napakamot ito nang ulo, "Cause I feel like doing it." Sagot nito saka nag angat ng tingin at pinikit ang mga mata.
Parang dinadama nito ang pagpatak ng ulan sa katawan nito. Sya naman ay napatitig lang sa gwapong mukha nito.
Hindi nya alam ang nararamdaman sa mga oras na iyon pero may gusto syang gawin. Minsan lang ito baka sa susunod wala na.
Kaya naman ay hinawakan nya ang batok nito at pinatingin sa kanya saka walang pasabing hinalikan ang binata sa mga labi.
Ikinapit nya ang dalawbg braso sa leeg nang binata at mas lalo pang pinalaliman ang halik na pinagsaluhan nila.
Naramdaman naman nya ang paghawak ng dalawang kamay ni Evander sa tig gilid ng kanyang beywang.
And that moment she knew, She will going to travel the heaven of pleasure again.
HADES.

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
Ficção GeralSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...