CHAPTER 15
THEIR VACATION WAS ALREADY OVER, at ngayon ay uuwi na sila pabalik sa City kung saan haharapin na naman nya ang kaguluhan at ang mga problema nya.
Okay na rin kahit ilang araw lang iyon ay nakapag pahinga rin sya sa masyadong pag iisip. Nagpapasalamat sya kay Evander na hanggang ngayon ay wala paring imik sa kanya.
Naghahanda ito sa mga gamit nila habang sya ay nakatanaw sa over viewing glass na tanaw na tanaw ang karagatan mula sa beach house.
"Are you ready?" Rinig nyang tanong ng isang baritonong boses sa likod nya. Nilingon nya ito at nakita ang naka white polo na si Evander, nakatingin ito sa kanya.
Di nya mabasa ang emosyon sa mga mata nito pero may nararamdaman syang kakaiba doon.
Tipid syang ngumiti saka tumango, "yeah."
Kinuha na nya ang mga gamit nya nasa sofa saka nilagpasan si Evander.
Kahit ang gwapo nito ngayon wala syang pakialam.
Nauna na sya sa nakaparadang sasakyan nito sa labas saka doon sumakay.
Ilang minuto pa ay sumunod narin si Evander sa kanya dala ng iba pang mga gamit na ipinasok nito sa back compartment ng kotse, pagkatapos ay umikot ito patungo sa driver seat saka pumasok.
Akala nya ay papaandarin na nito ang sasakyan at aalis na sila ngunit nagkamali sya.
Sumandal ito sa upuan saka sya binalingan.
"May problema ba tayo, Jellian?" Rinig nyang tanong nito.
Ngunit hindi sya umimik. Hindi man lang nya ito binalingan ng tingin.
"Jellian.." Tawag ulot nito sa kanya.
"Jellian."
Wala pa rin syang sagot.
"Jellian."
Wala parin.
"Ano ba, Jellian—"
"Walang problema okay?!" Singhal nya rito at tiningnan ito ng masama.
Bumuntong hininga ito. "Eh bakit ayaw mo ako kausapin? Bakit antagal pa bago ka sumagot? Yan ba yung walang problema?"
"Wala ngang problema bakit ba ang kulit mo?" Duro nya rito.
"Jellian, di naman ako manhid para di ko maramdaman na may problema, pwede ba sabihin mo rin sakin kasi di naman ako manghuhula. Kapagod mag isip eh—"
"Edi wag kang mag isip, di ko naman sinabi na mag isip ka. At isa pa di mo na problema yan, tinutulungan mo lang ako dahil abogado ka at trabaho mo yun." Saad nya na ikinatahimik nito, nakita nya ang samu't saring emosyon sa mga mata nito ngunit nawala rin iyon at napalitan nang walang emosyon.
Bumaling ito sa manibela saka pinaandar ang sasakyan. Buong byahe ay pareho lang silang tahimik dalawa, walang imikan sa isa't isa.
Nakakabore rin ang namumuong katahimikan nila kaya naman ay hinayaan nya nalang ang sariling lamunin nang antok.
NAGISING SI JELLIAN NA MAY TUMAPIK TAPIK sa kanya.
"Jellian, wake up. Jellian...Jellian." Narinig nya ang baritonong boses na iyon ni Evander kaya nagmulat sya ng mga mata at nakita ang napakagwapo nitong mukha.
Bahagya nyang kinusot kusot ang mga mata at sinuyod ang paligid na kinaroroonan nila. Nasa kotse pa rin sila, at nasa labas sila nang malaking bahay ni Evander.
"Nandito na tayo." Saad nito saka sya iniwan at pumunta sa back compartment ng kotse para kunin ang mga gamit.
Kinuha nya rin ang gamit nya at lumabas na ng kotse.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESIRE (Completed)
Ficción GeneralSYPNOSIS: Jellian Yahaira Daulton is a half american and half filipina ofw, who's willing to sacrifice and work hard for her family. Simula nang iwan sila ng sariling ama at ipagpalit sa ibang pamilya, nawalan na sya ng pag asa sa kanyang sarili pe...