Kabanata 1 | Camino"Ma'am, pinapatawag na ho kayo ng Daddy niyo," iyon ang salubong sa akin ng katulong dito sa bahay. Isa siguro ito sa mga araw na maaga ang dating ni Dad dahil 6:30 PM palang ay nasa baba na siya. Usually kasi 7:30 ang nakasanayan naming uwi niya.
"Nariyan na po ba si Mom?" tanong ko dito habang abala ako sa pagsusuklay ng hanggang bewang kong buhok. Matapos suklayin iyon ay basta ko na lamang na ipinusod iyon.
I like my hair this way. Bukod sa presko sa pakiramdam ay komportable rin. Nang saglit na mapadaan ako sa malaking salamin ay napatigil ako at napatitig sa sarili.
I'm beautiful.
I'm not bragging, I just know how to appreciate my looks.
Lumaki ako nang nakasanayan ang kaliwa‘t kanan na paghanga mula sa mga taong nasa paligid ko. Some says I got my looks from my Dad but deep down I know it is from my Mom.
My Mom is the definition of a woman with grace and elegance. Tuloy at dumarating sa puntong naipagkukumpara kami. They sometimes say, if my Mom is a woman with grace and elegance, then I am a woman with elegance but without intelligence.
I seriously sometimes hate their choice of words.
Truth hurts, eh?
"Wala po ho. Ang sabi ho ng Daddy niyo ay baka matagalan pa ang uwi ho ng Mommy niyo kaya mauna na lamang kayo na kumain," paliwanag nito.
"Sige po, manang. Susunod na rin po ako, I'll just change clothes po," sabi ko dito. Nang umalis si manang ay basta nalang akong naghubad ng damit at dumampot ng kahit na anong damit ang makuha ko.
Nang makita kong umilaw ang screen ng phone ko ay kinuha ko iyon. Nakita kong tumatawag si Mia kaya sinagot ko iyon at inilagay nalang sa loud speaker dahil hindi pa ako tapos na magbihis.
"What now?" malakas na pagsagot ko dito.
"Hala! Sorry girl!" malakas rin na sabi nito sa kabilang linya at parang chismosa na tumawa. "Tumawag sa akin si Mom kanina, saying na emergency daw at umuwi na ako kaya wala akong choice kundi magmadali nang umalis. Nasaan ka ba kasi kanina? Hinahanap kita, magpapaalam sana ako sa'yo di naman kita makita!"
"Wow. Ako pa talaga sinisi mo, girl?" mangha akong umiling. Iniwan niya kasi ako kanina, nagpaalam lang ako na mag pupunta sa CR dahil sobrang hiyang hiya talaga ako dahil bakit biglang lumabas sa bibig ko ang pangalang Samuel?
Kaya kung yung tingnan nga lang siya ay nahihiya ako, mas dumoble pa ang hiya ko dahil alam ko at siguradong sigurado ako na narinig niya ang pagbanggit ko sa pangalan niya.
I can't tell how embarrassed I was that moment!
"Heh! Basta tuloy na bukas ang panonood natin ng football practice. Sinasabi ko sa'yo, magkakajowa na talaga ako!" puno ng pag-iilusyon niya iyong sinabi. The typical Mia I knew.
"Sino ba kasi sa mga iyon ang bet mo? Hindi mo naman sa akin pinakilala!" napasimangot ako.
"Yung Brent, girl! 'Di ko ba nasabi sa'yo?"
"Hindi talaga." Saglit kong inalala ang mukha ng mga lalaki kanina ngunit wala talaga akong matandaan na pangalan na Brent. Tanda ko ang mukha nila ngunit hindi ang pangalan.
And besides... Isang pangalan lang naman ang natandaan ko...
"Anyways... May sasabihin pa pala ako..."
"Sabihin muna, girl. Baka hinahanap na ako ni Dad, kanina pa ako tinatawag sa baba."
"Fine!" malakas na sabi niya, batid kong halos lumuwa na ang mata nito sa kakairap. "May isa pa akong bet maliban kay Brent."
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...