KABANATA 38

60 3 0
                                    


Kabanata 38 | Vuelve

“Umalis na kaya sila?” I asked, looking around to check if Victor and Pete really leave me alone with this guy named Rafael. I mean, given the fact na kaibigan siya ni Pete, but I cannot fully trust someone I barely know.

Kahit pa gaano siya ka-gwapo. Kahit pa sabihin niyang fan ko siya ay hindi iyon sapat na dahilan para pagkatiwalaan siya. Sa panahon ngayon, kailangan mo munang kilalanin ang mga taong nakapaligid sa‘yo.

“I'll call Pete,” sagot niya bago inilabas ang phone niya at talagang tinawagan nga si Pete. “San na kayo?” kaswal lamang na tanong niya. Ilang saglit niyang pinakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya hanggang sa mapabuntong hininga siya. “Fine,” sabi niya sa kausap bago pinatayan ito ng tawag.  “They went home.”

“Seryoso?” gulat kong tanong. I thought Pete is some nice kid! How could he leave me alone here with someone I barely know!

He nodded. “He's not lying, I guess. I mean, Pete never lies.”

Ilang akong ngumiti sa kaniya bago nagpaalam na magw-washroom muna. He quickly said okay kaya agad ring akong tumayo at naglakad patungong washroom. Mabilis kong inilabas ang phone ko at tinawagan si Pete.

“I hate you, Pete. Seriously? Binabawi ko na ang mga magagandang sinabi ko tungkol sa‘yo. You're not nice,” agad kong sabi sa kaniya nang sagutin niya ang tawag.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. “I went home, but I'll be back there. I just needed to do something.”

Para akong nabunutan ng tahimik. “Babalik ka?” pigil ang ngiti na tanong ko.

“Yes. So will you please drop this call because I need to do something first. Babalikan naman kita diyan. You're my Ate, I won't just leave you there alone knowing that you are still not comfortable around Raf.”

Tuluyan akong napangiti. “Okay. Binabawi ko na ulit ang sinabi ko. I don't hate you, and you are definitely a nice kid.”

“Please, I'm not a kid.”

“You're 17,” iginiit ko. 17 is still a kid for me! Tsaka ang baby baby kaya ng mukha ni Pete. Kung hindi lang siya masungit ay almost perfect na siya!

“Turning 18 next week so cut the crap.”

Namilog ang bibig ko. Hindi alam kung dahil ba sa gulat o dahil sa excitement. “Birthday mo?”

“Yes.”

“Anong gift gusto mo?”

“Anything from you. But without gift is still fine for me as long as you would be there to my party.”

Natawa ako nang may maisip. “May mga clown ba sa birthday party mo?” I tried to joke.

“Meron, kung pupunta ka.”

Kumunot ang noo ko. “What are you talking— Oh,” napangiwi ako nang maintindihan ang sinasabi niya. “Are you saying na mukha akong clown, Pete?” kunwari ay pagalit kong tanong.

“No. Of course, no. Clowns are ugly, you are pretty. So it's a no.”

Pete's really a hot and cold. Lalaitin ka pero pagtapos ng isang minuto ay ico-complement ka. And I seriously think that's cute. Pete is cute. Period.

“...I'll drop the call now, Ate. Kuya Sam is right in front of me now. Bye,” he quickly said and the next thing I knew, binabaan na niya ako ng tawag.

Nanatili ang pagkalito sa mukha ko.

Si Samuel ang tinutukoy niya. Hindi ako pwedeng magkamali dahil isang Kuya Sam lang naman ang taong tinatawag niya. But what's confusing is bakit nasa bahay nila si Samuel? Lagi ba talaga silang magkasama ni Avery, to the point na parang mag-live in na sila?

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now