Kabanata 16 | Rechazo"Oh," kunwari ay gulat na ani ko. "Kamusta na daw ang sister mo?" pag-iiba ko ng usapan. Malay ko ba kung para saan ang that's right niya. That's right na bagay kami o that's right na talagang ipinangako niya sa mga kapatid niya na hindi siya magg-girlfriend.
"She's okay now, pero kailangan niyang maconfine ng tatlo pang araw," sagot niya at isinandal ang likod at pumikit bago huminga ng malalim na tila pagod na pagod siya.
"That's good," tumango ako kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita. Tsaka ko nilingon si Jhimwell na nakamasid lang sa'min. "Gusto mo bang kumain? Bili tayo sa labas," maingat na bulong ko dito. Ayokong marinig iyon ni Samuel kaya tahimik ko siyang pinatayo. Maingat na nilingon namin si Samuel na mukhang may balak na matulog dito sa labas.
Bakit hindi siya pumasok sa loob ng kwarto ng kapatid niya kung gusto niyang magpahinga?
"Paano po si Kuya Sam? Baka magalit po siya dahil umalis tayo ng walang paalam," bakas ang pagaalinlangan sa boses ni Jhimwell habang naglalakad na kami palabas ng hospital.
"Hindi iyan, bibili lang naman tayo ng pagkain. Tsaka ano ka ba, tumingin ka nga sa mukha ko. Tingin mo ba ang ganitong mukha ay kinagagalitan?" pagbibiro ko pa habang naglalakad kami. Dinala ko siya sa pinakamalapit na resto at nag-take out ng pagkain. Nang may madaanan kaming bilihan ng ice cream binilihan ko na rin siya.
"May gusto ka pang bilhin?" tanong ko.
Umiling si Jhimwell habang patuloy siya sa pagdila sa ice cream. "Wala na apo. Ang dami na nating binili."
Tumawa ako at umiling. "Ano ka ba, Jhimwell. Walang problema iyon sa akin. Gusto mo pa bilhan kita ng isang buong store ng ice cream basta ba ireto mo lang ako sa kuya mo."
"Ano po?" nagugulat itong nag-angat ng tingin.
"Just kidding. Kumalma ka, Jhimwell. Kumalma ka," pagtawa ko. Tumingin ako sa daanan dahil kailangan naming tumawid. "Humawak ka nga sa damit ko, Jhimwell." utos ko sa kaniya dahil hindi ko mahawakan ang kamay niya sa kadahilang may dala akong paper bags galing sa resto.
Sinunod naman niya ang sinabi ko kaya nagtuloy na kami sa pagtawid. Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakatawid ay hindi ko alam kung paanong nangyari na may bigla nalang papalapit na bisekleta papalapit sa'min.
Bago pa man tuluyang makalapit sa amin ang bisekleta na iyon ay bahagya kong iniharang ang katawan ko para hindi tuluyang matamaan si Jhimwell.
Mabuti at kahit na late na sa pagpreno ang nagpipidal sa bike ay ginawa niya parin ito dahilan para hindi gaanong malakas ang impact ng pagtama ng bike sa akin.
"Shit," naiusal ko at nasapo ang tagiliran na natamaan. Maging ang binti ko ay bahagyang natamaan ng gulong ng bike kaya nagalusan iyon.
My God, hindi niya ba nakikita kung paano kong iningatan ng 21 years ang binti ko tapos ngayon ay susugatan niya lang?
"Sorry, Miss! Ayos ka lang?!" parang tangang sigaw ng lalaki at dali daling bumaba mula sa bisikleta niya.
Bakit ba may mga taong tatanungin ka kung ayos ko lang samantalang obvious naman na hindi?
Gusto ko sanang magalit sa lalaki at pagsabihan ito ngunit kasama ko ngayon si Jhimwell at hindi pwedeng isipin niyang ma-attitude ako.
Mamaya ay siraan niya pa ako sa Kuya niya!
"May masakit ba sa'yo, Miss?" muli pang parang tanga na tanong ng lalaki at nagtanggal ng helmet.
Nakita niya nang tinamaan ako sa bewang tapos tatanungin ako kung may masakit ba? Akala ko ba ako lang ang boba dito? Bakit nakikisali 'tong si Kuya?
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...