Kabanata 12 | Usted está“Mag-inom tayo!” biglang parang tangang pahayag ni Mia at wala sa sariling tumayo at naglakad palabas.
Napapailing na napakamot ako sa ulo at nagmamadaling sinundan siya. Ang alam ko ay broken hearted siya at hindi lasing kaya nagtataka ako kung bakit pagewang-gewang ang paglakad niya.
“Mia, girl, wait!” sigaw ko sa kaniya habang nagmamadaling nagsuot ng slippers. “Manong, ‘wag niyo pong papalabasin iyan!” sigaw ko kay manong guard dahil nakalapit na sa gate ang walangyang Mia.
“Hindi tayo pwede mag-inom, ano ba?” pananaway ko kay Mia nang malapitan siya. Sinamaan niya ako ng tingin habang nangingilid parin ang luha niya. “Mahal ko pa ang buhay ko, ‘no? Hindi lang pagtatalak ang matatamo ko sa parents ko kung sakaling umuwi ako ng lasing.”
“Gusto ko maglasing!”
“Ako ayoko,” natatawang sagot ko.
Bakit ba alak ang takbuhan ng mga brokenhearted? Mapait na nga ang lovelife niyo mapait pa ang iniinom niyo. Kung ako sa inyo bibili nalang ako ng isang basket ng chocolates. Eh di nagka-diabetes kayo dahil sa sobrang sweet niyo.
Napailing ako at pinabayaan nalang si Mia na buksan ang gate. Hindi naman siya makakaalis dahil wala naman siyang dalang sasakyan.
“Paano ka pala nakapunta dito?” pang-uusisa ko nang sa wakas ay mabuksan na niya ang gate. Nauna siyang lumabas kaya sinundan ko siya. "H-hala?" gulat na saad ko nang makita si Samuel na nasa harap rin ng gate namin. “Anong ginagawa mo diyan?” gulat paring dagdag ko.
He crossed arms while frowning at me. Ano na namang problema niya?
“Kayong magkakaibigan na manloloko kayo!” biglang sigaw ni Mia at nilapitan si Samuel para hilain ang buhok nito.
“Oh my god... Nakakahiya ka girl,” naisatinig ko habang pinipigilan siya sa paghila ng buhok ng walang kamuwang-muwang na si Samuel.
“Nakakainis kayo!” halos maiyak na niyang sigaw at hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ng kawawang Samuel kaya impit na napasigaw ito.
Oh god, Mia. Kahit kagat ng lamok ay hindi ko hahayaang makapanakit sa crush ko kaya friendship over na tayo!
“Hoo,” tila nakahinga ng maluwag si Samuel nang tuluyan ko nang maialis ang kamay ni Mia sa buhok niya. Nakangiwi niyang sinuklay ang nagulo niyang buhok gamit ang daliri niya.
“Bakit mo ‘ko pinipigilan? Para makaganti naman ako!” inis pang sigaw ni Mia kaya hinila ko na si Samuel papunta sa likuran ko. Nagtaas ako ng kilay at sinamaan ng tingin si Mia.
Oh my gosh, Mia. Mahal kita pero ‘wag ang crush ko!
“Mahal kita Tine pero ilapit mo sakin iyang crush mo!” nalilisik pa ang mata na malakas na sigaw ni Mia.
Gulat akong napakurap kurap at hindi makapaniwalang bumuga ng malalim na hininga. Ang walangyang Mia na ‘to, kakatanggi ko lang kanina kay Samuel na may gusto ako sa kaniya ngunit heto siya at tuluyang ibinuko ako!
What the actual fudge!
“Gaga ka, Mia. Ano sinasabi mo diyan?” maang maangan na tanong ko habang pinanlalakihan siya ng mata. “Makuha ka sa tingin ponyeta ka,” I mouthed.
“I mean...” napaikot ng mata si Mia, mukhang nahihirapang umisip ng maiirason niya.
Muli ko siyang pinanlakihan ng mata. Pasalamat talaga ako at nasa likuran ko si Samuel, kung hindi ay baka kanina pa ako lumubog sa lupa dito!
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...