Kabanata 20 | Durante la noche
True to what Samuel's words, mukhang seryoso talaga siya sa gusto niyang mangyari between us being Special Friends. He was now acting comfortably around me, tho medyo masungit pa rin siya.
Hindi ko maintindihan. Ang alam ko ay mabait naman siya ngunit kapag ako ang kaharap ay parang nagiging ibang tao siya at tanging ako lang ang pinipiling sungitan.
But nevermind. Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ngayon ay nakapag-usap na kami ng maayos at nalinaw na ang parehong nararamdaman namin.
That's a start.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang may feelings rin siya para sa‘kin. Parang ang posible, pero ngayon ay totoo nang nangyayari.
Pinigilan ko ang sarili mula sa malakas na pagtili sa pamamagitan ng pagbabaon ko ng mukha sa unan. Naipadyak ko ang parehong mga paa dahil sa sobrang kilig na nararamdaman.
Naiangat ko ang ulo at umayos ng pagkakahiga matapos kong marinig ang pagbukas ng pinto, senyales na nandiyan na si Samuel.
“Anong nangyari sa‘yo?” kunot noong tanong niya habang naglalakad palapit sa kama kung saan ako nakahiga.
Halos mapabuntong hininga ako nang makitang may dala siyang unan at mat na hinihigaan, madalas kong makita iyon na ginagamit ng mga taong nagp-picnic.
Bakit naman may ganiyan siyang gamit dito? At isa pa, malaki naman ang kama kaya bakit kailangan niya pang maglatag ng higaan sa lapag?
“Sinong matutulog diyan?” hindi ko na napigilan ang magtanong.
Tumaas ang kilay niya. Lihim akong napasimangot, bakit ba ang sarap niyang titigan kapag ganiyang pinagtataasan niya ako ng kilay? Ang unfair, ‘pag ibang lalaki ang nagtataas ng kilay ay mukhang bakla, pero kapag siya ay halos mangisay na ako sa kilig. Sobrang unfair.
“Alam kong hindi mo gugustuhing matulog dito, so I guess, ako ang matutulog dito,” sagot niya at nagpatuloy sa ginagawa.
Tahimik ko lang siyang pinapanood kung paanong maayos niyang nailatag ang higaan na iyon na para bang sanay na sanay siyang gawin iyon. Nang kuhanin niya ang isang unan sa tabi ko ay napatigil siya at pinagkunutan ako ng noo.
“Ayos ka lang?” tanong niya.
Mas lalo akong sumimangot at umiling. “Paano ako magiging okay kung napakalaki naman nitong kama mo pero naglatag ka pa ng higaan mo diyan sa lapag.”
Natawa siya. “Gusto ko akong katabi, ganoon?” bakas ang panunukso sa tono niya.
I rolled my eyes, “ano pang silbi ng special friends kung ayaw mo naman akong katabi,” bubulong bulong pang saad ko nang akmang mahihiga na siya sa lapag.
“What?”
Muli akong nagpaikot ng mata, “What?” I imitated his tone, mocking him.
He just ignored me. Tuluyan na siyang nahiga sa lapag nang hindi man lamang ako tinitingnan.
Muling natahimik ang pagitan namin kaya paulit-ulit akong bumuntong hininga. Sinadya kong lakasan para naman malaman niyang inaantay ko siyang tumabi sa akin!
Talaga bang pinaninindigan niyang diyan siya sa baba matutulog?
Ang arte arte. Ano bang akala niya kapag katabi ko siyang matulog, papatong ako sa kaniya? Ang kapal lang. Kung may plano man akong gawin sa lalaking gusto ko ay siguradong hindi pagpatong iyon.
Ang matagal ko nang pinaplano ay lumuhod at hindi pumatong!
“Tss,” sa sobrang inis ay naiirita akong bumangon. Napaupo ako at masama ang loob na nagbaba ng tingin sa kaniya. Bahagya nang nakapikit ang parehong mga mata niya habang ng isang braso ay nakapatong sa noo niya. Tuloy ay kitang kita ko kung paanong nag-flex ang biceps niya dahil sa posisyon niyang iyon.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...