Kabanata 9 | Finalmente"Kalma girl. Itikom mo iyang bibig mo," siniko ako ni Mia.
Gulat akong napatingin sa kaniya bago muling ibinalik ang tingin kay Samuel na ngayon ay tumutungga na sa bote na hawak niya.
Tulala akong napatitig sa kaniya. Ilang ulit akong napalunok habang pinapanood siyang tuloy tuloy na umiinom. Ang simpleng pagtingala niya sa tuwing lumulunok ay hindi ko alam ngunit iba ang naging epekto sa akin.
"Lapitan mo, girl," utos ni Mia at bahagya pa akong tinulak. Inirapan ko siya at nagtuloy sa paglalakad palapit kay Victor na kanina pa palang nakatingin sa akin.
Tinitigan ko siya, inaalam kung nabasa ba niya ang paghanga sa akin habang nakatitig kay Samuel. Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala namang nagbago sa reaksyon niya. Kung paanong ang pagkakangiti sa mukha niya ay hindi nag-iba mula nang una niya akong matanaw.
"Hi, Victor," ngiti ko dito. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, inaasahan na makakaramdam rin ako ng paghanga gaya ng paghanga na naramdaman ko nang makita si Samuel. Napahinga ako ng malalim nang madismaya. Kung paanong tumingin ako sa ibang katawan ng lalaki ay ganoon lamang ang naramdaman ko nang tingnan si Victor.
Kung ikukumpara ang katawan ni Victor sa katawan ni Samuel ay hindi nakakapagtaka at hindi maitatanggi na mas malaki ang katawan ni Victor. Mas malapad ang balikat ni Victor, katamtaman lamang ang kay Samuel, kaya mas lalong hindi ko maintindihan ang sarili dahil sa paghanga na naramdaman nang makita ang katawan ni Samuel.
"Oh, wow," gulat na saad ni Victor at nagbaba ng tingin sa katawan ko. "You are— Wow," bakas parin ang paghanga sa boses na saad niya.
Naimagine ko na siguro ay ganiyan din ang reaksyon ko kanina nang makita si Samuel. Oh baka nga mas malala pa!
"Let's swim," bigla ay yaya ni Victor. Parehas kasi kaming nakaupo lang sa gilid ng pool at tanging paa lamang ang nakababad sa tubig.
Paglingon ko sa kaniya ay nakalusong na siya sa tubig. Halos umabot hanggang leeg niya ang tubig, at nasisiguro kong lampas sa height ko ang taas ng tubig dahil talagang matangkad si Victor. Hanggang balikat lang niya ako.
Inilahad niya sa akin ang kamay para tulungan akong makababa sa tubig. Tumatawa at napapailing na tinaggap ko ang kamay niya at wala sa sariling ipinadausdos pababa sa pool ang sarili.
Gaya ng inaasahan ay talagang lampas sa akin ang taas ng tubig, ipinagpasalamat ko tuloy na marunong akong lumangoy, hindi gaya ni Mia na at the age of 21 ay hindi parin marunong lumangoy.
"Ang lamig!" saad ko bago ipinalutang ang sarili para maharap ko si Victor.
"Gusto mo ba ng yakap?" nagbibirong tanong niya. Sinuklay niya ang bagsak na niyang buhok pataas para hindi maharangan ang mukha niya.
"I'm sure nilalamig ka rin!" sigaw ko at tinalamsikan siya ng tubig sa mukha. Tumatawa akong lumayo sa kaniya nang makita kong tatalamsikan niya rin ako ng tubig.
Nagpatuloy kami sa paghahabulan hanggang sa may mabangga ako dahilan para mapatigil ako at harapin ito para humingi ng paumanhin.
"Sorry po," natatawa paring saad ko bago ko ito nilingon. "Hala," napatigil ako sa pagtawa nang sumalubong sa akin ang kunot noong mukha ni Samuel. Bumuntong hininga siya bago ako tinalikuran.
Pinagmasdan ko lamang siya habang parang tanga na naglalakad sa gitna ng pool. Hanggang balikat lang niya ang tubig kaya nagmukha iyong mababaw kung titingnan sa kaniya.
"Bakit ka huminto?" tanong ni Victor nang makalapit siya sa akin. Kunot noong sinundan niya ng tingin ang taong tinitingnan ko. "Si Samuel? Bakit?" wala paring ideya na tanong niya ulit.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...