Kabanata 31 | ColgarLito lang ako habang pinagmamasdan silang nagsusukatan ng tingin. Parang galit sila sa isa't isa. Ang weird nila tingnan... Ang alam ko ay magkaibigan sila... Bakit parang galit sila?
Humakbang palapit si Victor hanggang sa magpantay sila ni Samuel.
“Congrats,” ani Victor at tinapik pa ang balikat ni Samuel.
Taka ko lang na pinagmamasdan ang mga dumaraang emosyon sa mukha niya. Parang kulang nalang ay sumigaw siya ng ‘walang forever’ sa sobrang sama ng mukha niya.
“Thanks,” walang kaemo-emosyong sagot ni Samuel at hinawakan ang braso ko. “Mauuna na kami,” dagdag niya bago mabilis na naglakad palayo habang hatak ako.
Pilit na ngiti ang iginawad ko kay Victor habang tinatanaw siya bilang pagpapaalam. He didn't smiled back. Kahit simpleng pagtango lang ay hindi niya ginawa.
Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.
Ang weird niya.
Days passed. Dumating ang araw ng pasukan namin, at gaya ng inaasahan ay mukhang na-enjoy ng mga classmates ko ang vacation nila. Hindi na pantay ang kulay ng mukha at balat nila, e.
“Oh my God!” Mia exaggerated as soon as she saw me coming. Ilang week rin kaming hindi nagkita dahil ang huling pagkikita namin ay yung sa Boracay pa.
“Ilang weeks lang tayo ‘di nagkita,” sabi ko natatawang umiwas nang akmang yayakapin niya ako.
“Gosh. Bakit feeling ko taon tayo ‘di nagkita? My God, nakakainis pala ‘pag pareho tayong may jowa... Pareho rin tayong busy!”
Umupo ako sa tabi niya habang pinapakinggan ang walang tigil niyang bunganga. “Ikaw lang busy sa jowa, girl, ‘wag ako. Nagte-text kaya ako sa‘yo.” Napailing ako. Hindi naman kami maya't mayang magka-text ni Samuel dahil may trabaho yung tao, kaya kapag wala akong magawa ay si Mia nalang ang mini-message ko.
Ang saklap nga lang dahil busy siya kay Brent.
Landi nila.
Whatever.
Lalandiin ko rin naman si Samuel... soon. Kapag hindi na siya busy.
“May napansin ka ba sa‘kin?” tanong ni Mia at pinalipad pa ang bagong rebond niyang buhok.
Natawa ako. “Meron naman...” natatawang sagot ko at kusang bumaba ang mata ko sa bandang leeg niya. “Napansin ko yung hickey diyan sa leeg mo. Landi mo talaga.”
Nanlaki ang mata niya ngunit kalaunan ay natawa rin. “Bwisit ka!”
“At least ‘di pumapasok ng may hickey,” pabiro akong umirap. Nagpatuloy lang kami sa pang-iinis sa isa't isa hanggang sa dumating na ang prof. And in all fairness kay Mia, medyo nakikinig na siya. Dati kasi ay patagong nagce-cellphone siya dahil sobrang boring daw ng class.
I guess, kahit papaano ay may magandang ambag si Brent sa buhay ni Mia. Like Samuel who made impact in my life, too. Hindi na ako yung dating Celestine na okay na sa passing grade na 75.
I'm a changed person... I guess? I'm not really sure. Ako pa rin naman ‘to, si Celestine Vera na patay na patay kay Samuel del Carmen. Ang pinag-kaiba lang ngayon ay patay na patay na rin sa‘kin si Samuel.
Nagtatawanan kami ni Mia habang nagliligpit ng gamit matapog ang dismissal. Napatigil nalang kami nang sa paglabas namin ay bumungad si Victor.
Napatingin ako kay Mia. Mukhang hindi naman siya nagulat nang makita si Victor. Sa katunayan ay nakangiti pa nga siya at binati si Victor.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...